TV

Dingdong Dantes, may special birthday episode sa 'Family Feud' mamaya

By Jimboy Napoles

Isang espesyal na episode ng Family Feud ang mapapanood mamaya (August 2) dahil sa birthday celebration ng Kapuso game master na si Dingdong Dantes.

Sa nasabing episode ng game show, ang mga kaibigan ni Dingdong mula sa kanyang dating grupo na Abztract Dancers at mga kaibigang motorcycle riders sa Euro Monkeys ang mga maglalaro bilang celebrity guest players.

Kabilang sa mga bisita ni Dingdong ay ang aktor at boyfriend ni Bea Alonzo na si Dominic Roque.

Ano kayang sorpresa ang naghihintay kay Dingdong mula sa kanyang mga kaibigan? Abangan 'yan, mamaya!

Samantala, bukas na rin ang pintuan ng Family Feud para mga nais maging studio live audience, magtungo lamang sa GMANetwork.com para sa iba pang detalye.

Tumutok naman sa Family Feud, Lunes hanggang Biyernes, 5:45 ng hapon sa GMA.

ALAMIN NAMAN ANG NAGING CAREER HIGHLIGHTS NI DINGDONG DANTES SA GALLERY NA ITO: