TV

Team Batang GMA, panalo ng PhP200,000 jackpot prize sa 'Family Feud'

By Jimboy Napoles

Panalo ang reunion ng dating child stars at team Batang GMA na sina Miggs Cuaderno, Kyle Ocampo, Barbara Miguel, at Milkcah Nacion dahil naiuwi nila ang PhP200,000 jackpot prize sa kanilang paglalaro sa Family Feud ngayong, Martes, August 9.

Sa nasabing episode ay nakalaban nila ang team Kidz No More na binubuo ng kapwa sikat na child actors noon na sina "That's My Boy" Goyong, BJ Tolits Forbes, Eisen Bayubay, at si Chesca Salcedo na gumanap bilang si Cruzita na anak ni game master Dingdong Dantes sa 2007 Philippine adaptation ng Mexicanovela na Marimar.

Leading ang team Kidz No More sa first two rounds sa score na 130 points pero nakahabol ang team Batang GMA sa third and fourth round at nakakuha ng score na 313 points kung kaya't sila ang nagpatuloy sa final round.

Sa last round o fast money round sumalang sina Miggs at Barbara kung saan nakakuha sila ng 217 points na lagpas pa sa kinakailangang score upang makuha ang jackpot prize na PhP200,000.

Makakatanggap naman ng PhP20,000 ang Dugong Alay, Dugtong Buhay Inc. bilang napiling beneficiary ng team Batang GMA.

Tumutok naman sa Family Feud, Lunes hanggang Biyernes, 5:45 ng hapon sa GMA.

KILALANIN NAMAN ANG CHILD STARS NOONG 2000S NA LOVING PARENTS NA NGAYON SA GALLERY NA ITO: