TV

'Family Feud Philippines' surpasses 100 million views on YouTube

By Jimboy Napoles

Panalo na sa ratings, panalo pa sa online views ang trending game show ng GMA na Family Feud kasama ang game master na si Dingdong Dantes.

Bukod sa mataas na TV ratings, malaki rin ang nakukuhang engagement sa online world ng nasabing game show. Sa kasalukuyan, pumalo na sa 100 million ang bilang ng combined video views sa episodes, trailers, at online exclusives sa Family Feud YouTube channel.

Tumabo na rin sa halos 500,000 ang subscribers ng Family Feud Philippines sa YouTube.

Viral din sa social media app na TikTok ang ilang videos ng game show na talagang inaabangan ng online netizens gaya na lamang ng video ni Buboy Villar kung saan "sabaw" o maling hula ang kanyang naisagot sa isang survey question.

Tanong ni Dingdong kay Buboy, "In english, anong month ang may letter 'A'?" pero tila nawala sa concentration ang batang komedyante at ito ang kanyang naging sagot, "Month na may letter 'A'... Monday?"

Ang nasabing video ay mayroon nang 4.3 million views at patuloy na inuulan ng sari-saring reaksyon at komento mula sa netizens.

Umabot naman sa 110,000 ang followers ng Family Feud Philippines sa TikTok habang nasa halos 700,000 naman ang Facebook followers nito na nagsimula lamang nitong Marso ngayong taon.

Tumutok sa Family Feud, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 ng hapon sa GMA.

Kung nabitin naman kayo sa inyong napanood na episode sa TV, maaaring i-extend ang saya online. Bisitahin lang ang GMANetwork.com, mag-subscribe sa Family Feud Philippines YouTube channel, at i-follow ang Family Feud Philippines sa TikTok at Facebook sa username na @familyfeudph.

BALIKAN NAMAN ANG NAGING CAREER JOURNEY NI FAMILY FEUD HOST DINGDONG DANTES SA GALLERY NA ITO: