TV

'Family Feud' Philippines achieves new milestone on YouTube and Facebook

By Jimboy Napoles

Sa loob lamang ng tatlong linggo, umabot na sa 128,000 plus subscribers ang YouTube channel ng pinakamalaking game show ngayon ng GMA, ang Family Feud kasama ang game master na si Dingdong Dantes.

Mapapanood sa YouTube channel ng Family Feud Philippines ang full video ng bawat episode ng programa. Uploaded din dito ang ilang online exclusive videos tampok ang inyong mga idol na celebrity guest players.

Kaugnay nito, nasa 2.6 million views na rin ang full video ng episode ng nasabing game show noong March 23 tampok ang grupo ng YouTube stars na sina Jelai Andres at Zeinab Harake. Kasama ng Team Miloves sina Buboy Villar, Divine Tetay, at Dyosa Pockoh katapat nila ang grupo nina Zeinab o Team Zebby na sina Melissa, Rana, at Lantis.

Nasa mahigit 100,000 naman na ngayon ang likes at followers ng Facebook page ng nasabing game show kung saan din naka-post ang maraming online exclusive videos na hindi mo napanood sa TV.

Samantala, tumabo naman ng mataas na ratings ang episode ng Family Feud kasama ang Budol family at Celis Family noong Martes (April 5).

Panoorin ang kanilang laughtrip na hulaan sa top answer sa survey questions sa video sa ibaba.

Tuloy-tuloy rin ang pamimigay ng papremyo ng programa dahil bukod sa jackpot prize na naiuuwi ng celebrity guest players mula sa paglalaro sa studio, winner din ang Team Bahay na mga Kapuso viewers na nakilahok at tumama sa "Guess To Win" promo ng programa.

Para maging updated sa good vibes content ng programa, mag-subscribe na sa Family Feud Philippines YouTube channel at i-follow at i-like na rin ang Facebook page nito.

Patuloy naman na tumutok sa Family Feud, weekdays, 5:45 p.m. sa GMA!