TV

Team Paangat ni Whamos Cruz, wagi ng PhP200,000 jackpot prize sa 'Family Feud'

By Jimboy Napoles

Wagi ng PhP200,000 jackpot prize ang pamilya ng sikat na vlogger at TikTok content creator na si Whamos Cruz sa kanilang paglalaro sa trending weekday game show ng GMA na Family Feud ngayong, Biyernes, November 25, 2022.

Kasama ni Whamos na naglaro sa nasabing game show ang Team Paangat, kabilang ang kanyang asawa na si Antonette Gail Del Rosario, tiyuhin nito na si Emma Del Rosario, at kapatid ni Whamos na si Smith Miranda.

Sa nasabing episode, nakatapat nila ang pamilya ng singer-actress at comedienne na si Kitkat Bañas-Favia, kapatid niya na si Charisse Bañas, at kanilang mga pinsan na sina Rowyn Subida, at Ronnel Filio.

Sa naturang game, leading sa first round ang Bañas-Favia Family sa score na 94 points.

Pagdating sa second round, nakabawi naman ang Team Paangat sa score na 221 points.

Sa third round, muling nakuha ng Bañas-Favia Family ang game nang mahulaan nila ang lahat ng survey answers sa survey board. Dito ay nakakuha sila ng perfect score na 248 points.

Sa fourth round kung saan triple na ang magiging score sa tamang sagot, na-steal pa ng Team Paangat ang game sa score na 348 points nang mahulaan nila ang isang survey answer sa tanong na, "Magbigay ng parte ng katawan na nagsisimula sa letter E" na hindi nasagot ng Bañas-Favia Family.

Dahil dito, sila ang nagtuloy sa last round na fast money round kasama mismo sina Whamos at Antonette. Sa round na ito, nakabuo ang dalawa ng saktong 200 points na kinakailangang score upang makuha ang jackpot prize na PhP200,000.

Samantala, makakatanggap naman ng PhP20,000 ang Onesimo Foundation Inc. bilang napiling charity ng Team Paangat habang nag-uwi pa rin ng PhP50,000 ang pamilya ni Kitkat.

Tumutok sa Family Feud, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 ng hapon sa GMA . Maaari rin itong mapanood via livestream sa Family Feud YouTube channel at Family Feud show page sa GMANetwork.com.

KILALANIN NAMAN ANG ILANG PINOY TIKTOK STARS NA BIDA NA RIN SA MAINSTREAM SA GALLERY NA ITO: