GMA Logo Mavy Legaspi and Dingdong Dantes in Family Feud
What's on TV

'Funny' moment ni Mavy Legaspi sa 'Family Feud,' viral sa TikTok

By Jimboy Napoles
Published November 26, 2022 10:42 AM PHT
Updated November 26, 2022 12:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Palace: Marcos will have working Christmas holidays
Fr. Gianluigi Colombo, founder of Amici Philippines, passes away
Matibay na tulay, ipinatatayo sa Brgy. Puray ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Mavy Legaspi and Dingdong Dantes in Family Feud


Umabot na sa mahigit 1 million views sa TikTok ang viral video ni Mavy Legaspi kung saan 'Hotdog' ang kanyang isinagot sa isang survey question.

Viral ngayon sa TikTok ang video ng "funny" moment o maling hula sa survey question ng Kapuso actor na si Mavy Legaspi noong siya ay naglaro sa trending weekday game show ng GMA na Family Feud.

Sa nasabing episode, kasama ni Mavy na naglaro sa programa ang Team Limitless Kilig na sina Julie Anne San Jose, Rayver Cruz at Derrick Monasterio.

Nakalaban naman nila ang Team Queendom na binubuo naman ng Kapuso singers na sina Hannah Precillas, Mariane Osabel, Jeniffer Maravilla at Lyra Micolob.

Matagumpay naman na nanalo ang Limitless Kilig kung kaya't sila ang naglaro sa fast money round. Isa sa sumalang dito ay si Mavy kung saan sinagot niya ang limang survey questions sa loob ng 25 na segundo.

Isa sa naging tanong kay Mavy ng game master na si Dingdong Dantes ay, "Kapag nagbibiruan, anong kalokohan ang isinasagot sa'yo ng friend mo kapag tinanong mo siya ng one plus one?"

Matagal na napaisip si Mavy at dahil tumatakbo ang oras, ito ang kanyang naisip na isagot, "Hotdog."

Agad naman na ipinost ng Family Feud Philippines ang video na ito ni Mavy sa TikTok kung saan mabilis itong nag-viral. Sa kasalukuyan, mayroon na itong 1.2 million views at patuloy na inuulan ng sari-saring reaksyon at komento mula sa netizens.

Ang nasabing video ni Mavy ay nakarating din sa dating host ng Family Feud na si Luis Manzano.

"Kinabahan ako, akala ko ako naglalaro," tweet ni Luis kasama ang video ni Mavy sa Twitter.

Panoorin ang nakatutuwang moment ni Mavy sa TikTok video na ito:

@familyfeudph Ha? 🌭 #fyp #familyfeudph ♬ original sound - Family Feud Philippines

Tumutok naman sa Family Feud, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 ng hapon sa GMA . Maaari rin itong mapanood via livestream sa Family Feud YouTube channel at Family Feud show page sa GMANetwork.com.

SILIPIN ANG HANDSOME PHOTOS NI MAVY LEGASPI SA GALLERY NA ITO: