GMA Logo Tito Abdul, Chef JR Royol, and Divine Tetay in Farm to Table
PHOTO SOURCE: Farm to Table
What's on TV

Divine Tetay at Tito Abdul, magbabalik sa 'Farm to Table' para sa masarap na food adventure!

By Maine Aquino
Published June 17, 2026 1:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

White Ribbon Movement kontra-korapsyon, inilunsad
Fake dentist nabbed in Davao Occidental
Michelle Dee savors the summer with this Italian designer bag

Article Inside Page


Showbiz News

Tito Abdul, Chef JR Royol, and Divine Tetay in Farm to Table


Abangan ang kanilang ihahanda ngayong June 20 at June 21 sa 'Farm to Table.'

May exciting at masayang comeback ng content creators at "Royol Rumblers" na sina Divine Tetay at Tito Abdul sa Farm to Table!

Ngayong June 20 at 21, hindi lang sila magpapatawa o makikipagkulitan lang dahil ipapakita rin nila ang kanilang galing sa pagluluto.

Bilang mga volunteer sous chefs sa episode, makakasama nina Divine Tetay at Tito Abdul si Chef JR Royol sa paghahanda ng isang "party-perfect" dish na Seafood Pancit Canton.

Hindi rin pahuhuli si Tito Abdul dahil ibabahagi niya ang isa sa kanyang mga paboritong dish mula sa Bicol, ang malutong at flavorful na Crispy Pork Binagoongan. Kasama niya sa paghahanda ang kaibigan niyang si Tetay.

Tito Abdul Chef JR Royol and Divine Tetay in Farm to Table

PHOTO SOURCE: Farm to Table

Para mas kumpleto ang handaan, bibigyan naman ni Chef JR ng kakaibang twist ang paboritong Pinoy merienda na okoy. Gamit ang isa sa mga patok na lokal na sangkap ngayon, ang gabi o taro, mabubuo ang espesyal na Okoy na Gabi.

Samantala, ibibida rin ang isa pang taro dish na Laing. Ihahain ito ng Kapuso actress na si Lianne Valentin, na magbabahagi ng espesyal na recipe mula sa kanyang ina.

Bibisitahin din ni Lianne ang isang café at garden na puno ng organic food ingredients sa Makati.

Tampok din sa Farm to Table ang espesyal na selebrasyon para sa Father's Day. Maghahanda si Chef JR ng isang classic dish na perfect para sa father-and-child cooking bonding activity.

Masarap na pagkain, kuwentuhan, at inspirasyon ang mapapanood sa Farm to Table ngayong Sabado (June 20), 4:45 p.m. sa GMA, at sa Linggo (June 21), 7:00 p.m. sa GTV.