GMA Logo Ruru Madrid and Bianca Umali,
What's on TV

Ruru Madrid at Bianca Umali, binalikan ang 'eksena sa parking lot' issue nila noon

By Jimboy Napoles
Published June 21, 2024 10:41 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Daughters of King Charles’ brother Andrew join royals for Christmas service
Cop in CDO nabbed for indiscriminate firing on Christmas Day
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid and Bianca Umali,


Aminado sina Ruru Madrid at Bianca Umali na dumaan sa matitinding pagsubok ang kanilang relasyon.

Tinatawanan na lang ngayon ng Kapuso couple na sina Ruru Madrid at Bianca Umali ang “eksena” tungkol sa kanila noon na may kinalaman sa selos at nangyari 'di umano sa isang parking lot ng mall.

Bumisita nitong Huwebes, June 20, sa Fast Talk with Boy Abunda sina Ruru at Bianca. Dito ay binalikan nila ang mga pagsubok na kanilang hinarap sa kanilang relasyon.

Ayon sa dalawa, hindi naging madali ang mga unang taon ng kanilang relationship at may mga maling bagay silang nagawa na ikinasakit ng damdamin ng isa't isa gaya na lang ng matinding selos.

Kuwento ni Bianca kay Boy Abunda, “Maramaming nakaaalam nitong pangyayari na 'to and it was very controversial at nangyari 'yun wala pa kaming isang taon.”

“Ito 'yung?” tanong ni Boy.

“The controversial parking lot,” natatawang sinabi ni Ruru.

“Ito 'yung parking lot controversy. Wala pa kaming one year no'ng nangyari 'yun. Siguro parang a month before anniversary,” dugtong ni Bianca.

Hindi na ikinuwento ng dalawa ang mismong “eksena” na nangyari sa parking lot pero aminado si Ruru na marami siyang natutunan dito.

Aniya, “Siguro 'yung pinakamatinding natutunan ko rito is that nalaman ko kung ano talaga 'yung kahalagahan ni Bianca para sa akin. I'm not saying na kinailangan niya pang mangyari 'yun para lang makita ko 'yung kahalagahan niya.

“Pero para siyang blessing in disguise na para bang no'ng nakita ko siyang nasaktan, no'ng nakita ko siyang umiiyak, parang part of me nadurog e. Nangako ako sa sarili ko na hinding-hindi ko na hahayaan na umiyak pa itong babaeng 'to kahit kailan.”

“Ang sarap sa puso,” reaksyon naman ni Bianca sa sinabi ni Ruru.

Paglalahad pa ng dalawa, hindi rin nila natiis ang isa't isa at mas pinili nilang ayusin ang kanilang relasyon.

“Ako rin, sa totoo lang, kahit na I was in pain, hindi ko rin kaya na mahiwalay sa kaniya. But that whole year after the first year, 'yun 'yung tinatrabaho namin na at the end of that year, na-realize namin na sa hirap at ginhawa, kung ano man ang mali, kung ano man ang masakit at masaya sa mga puso namin, pinili namin na mag-stay kasama ang isa't isa,” ani Bianca.

Masaya naman ang dalawa na nalagpasan nila ang matitinding pagsubok ng kanilang relasyon nang magkasama. Ngayong taon ang 6th anniversary nina Ruru at Bianca.

Samantala, napapanood pa rin ngayon si Ruru Madrid sa action series na Black Rider sa GMA Prime, habang puspusan pa rin ang paghahanda ni Bianca Umali para sa inaabangang Encantadia Chronicles: Sang'gre.

RELATED GALLERY: #RuCa: Ruru Madrid and Bianca Umali's sweetest photos