What's on TV

Marian Rivera, pinipili na ang kaniyang mga laban

By Aedrianne Acar
Published October 14, 2024 6:25 PM PHT
Updated October 15, 2024 10:42 AM PHT

Around GMA

Around GMA

1 pulis, patay; 2 iba pa, sugatan sa engkuwentro laban sa armadong grupo sa Candelaria, Quezon
Ashley Rivera sizzles as the 2026 calendar girl of a local whisky brand
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Marian Rivera


“Hindi lahat ng away kailangan sumugod ka.” - Marian Rivera

Isa sa mga karakter na ginawa ng Kapuso Primetime Marian Rivera na lubos na tumatak sa publiko ang pagganap niya sa Cinemalaya movie na Balota bilang Teacher Emmy.

Sa panayam sa kaniya ng King of Talk na si Boy Abunda ngayong Lunes (October 14), inilarawan ni Marian kung sino si Teacher Emmy para sa kaniya.

“Si Emmy ang teacher na may paninindigan na kahit ano'ng presyo ang ibigay mo sa kaniya hindi niya ibebenta 'yung boto niya dahil alam niya mahalaga 'yung boto niya.

“At dahil sa boto na 'yun marami puwede magbago, hindi lang para sa sarili niya para sa pamilya kundi para sa taong bayan na mas nangangailangan ng pagbabago para sa bansa.”

Sinabi pa niya sa "Fast Talk" segment na talagang malaki ang pagkakapareho nila ni Teacher Emmy sa paniniwala at mga ipinaglalaban sa buhay.

“Halos more than half, parehas talaga halos lahat- paninindigan, pagmamahal sa pamilya, [at ipaglalaban ang tama]. Kasi ako bilang tao very transparent ako. May pagkakataon, buti ngayon, medyo nagbago na ako e.”

“Minsan medyo pumepreno na ako, pero dati talaga, what you see is what you get. Sasabihin ko ano 'yung nasa loob ko at hindi ko ifi-filter 'yan, kasi gusto ko maging totoo at 'yun ako.”

Nang mapag-usapan ang tungkol sa mga pagbabago sa kaniya ngayon, umamin ang multi-awarded Kapuso actress na “pinipili na niya ang mga laban” na kinakaharap niya.

“Parang ngayon, pipiliin mo na kung ano ang ipaglalaban mo. Kumbaga hindi lahat ng away kailangan sumugod ka. May mga pagkakataon na bago ka sumugod, kailangan may mga armas ka muna. Pag-iisipan mo muna, kasi pag bata ka mapusok ka. May nangyaring ganito, aksyon agad.” paliwanag ng misis ni Dingdong Dantes.

Pagpapatuloy niya, “Habang tumatanda ka, natututo ka. Gagagwin ko ba 'to? Ano magiging consequence ko?”

Marian Rivera

Source: Fast Talk with Boy Abunda

Sa idinaos na awards night ng 20th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival noong Agosto sa Ayala Malls Manila Bay, inukit ni Marian ang kaniyang pangalan sa history ng film festival nang itanghal bilang Best Actress.

Muling binalikan ng Kapuso Primetime Queen ang mga nangyari bago siya manalo noong gabi na 'yun.

Kuwento niya kay Tito Boy, “Magre-rewind lang ako dun sa nangyari, kasi nung gabi na 'yan magkausap kami ni Direk (Kip Oebanda ). Sabi ko talaga kay Direk, 'Direk, sabi ko ganun excited ako para bukas, pero kinakabahan ako'.”

“Alam mo sabi ni Direk, 'Hindi Marian, kung ano man mangyari alam namin kung ano ginawa mo sa pelikula. Alam na namin kung sino ka.”

“Tapos on the way [to the venue of the awarding ceremony] si Dong kasama ko sa kotse. May nakita kami sa daan na parang verse ng Bible na sinasabi dun na kung para sa'yo, para sa'yo.

“Sabi ko, ano kaya message ni Lord para sa akin? Malapit na kami sa cinema hinawakan ni Dong 'yung kamay ko. Sabi niya sa akin, 'Mahal kahit ano'ng mangyari ikaw ang Best Actress ko.'"

“So sabi ko dun palang panalong-panalo na ako.”

Mapapanood ang Cinemalaya Film Festival movie na Balota sa mga sinehan nationwide simula October 16.

Watch Marian's full interview below:

RELATED CONTENT: THE MANY ACHIEVEMENTS OF MARIAN RIVERA