
Nagkaungkatan ng past nang mag-guest si Kris Bernal sa Fast Talk With Boy Abunda noong Lunes, March 10.
Sa kanyang pagbabalik-telebisyon matapos ang kanyang dalawang taong break, may rebelasyon ang aktres sa "Fast Talk' segment ng programa nang matanong siya tungkol sa iba't ibang issues niya noon.
Dito ay inamin ni Kris na may nakaaway siyang batchmate niya sa StarStruck. Sumali siya sa ikaapat na season ng Kapuso reality-based artista search na may pamagat na StarStruck: The Next Level kung saan itinanghal siyang "Ultimate Loveteam" kasama si Mart Escudero. Ipinalabas ito mula December 2006 hanggang March 2007.
Hindi naman idinetalye ni Kris kung sino ito at kung ano ang pinag-ugatan ng kanilang away. Bukod kay Mart, ilan sa mga ka-batch niya sa StarStruck sina Jewel Mische, Chariz Solomon, Paulo Avelino, Jesi Corcuera, at kanyang dating love team partner na si Aljur Abrenica.
Samantala, inamin din ni Kris sa 'Fast Talk' na minsan ay na-insecure din siya sa kanyang co-actress.
Panoorin ang buong guest appearance ni Kris sa Fast Talk With Boy Abunda sa ibaba.
Mapapanood si Kris sa dalawa pang episode ng weekly drama anthology na Tadhana para sa bagong kwento nito na pinamagatang 'Abo ng Kahapon' kung saan gumaganap siyang Pinoy OFW na biktima ng wildfire sa Amerika.
Ipapalabas ang pagpapatuloy ng kwento ng 'Abo ng Kahapon' sa Tadhana sa March 15 at March 22, 3:15 p.m., sa GMA.