GMA Logo Mommy Grace Tanfelix, Miguel Tanfelix
Source: FastTalkGMA (FB)
What's on TV

Mommy Grace Tanfelix, ano ang rating sa cooking skills ni Miguel?

By Kristian Eric Javier
Published March 28, 2025 5:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Security tight for SONA 2026 at Batasang Pambansa, Batasan Road, Commonwealth Ave.
Maximum tolerance on protest actions during SONA
Farm to Table: (July 26, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Mommy Grace Tanfelix, Miguel Tanfelix


Gaano nga ba kagaling magluto si Miguel Tanfelix ayon kay Mommy Grace?

Binigyan ni Mommy Grace Tanfelix, na kilala sa kanyang cooking videos at “Okay na 'to” trend, ng rating ang cooking skills ng anak niya at Mga Batang Riles star na si Miguel Tanfelix.

Sa pagbisita ng mag-ina sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, March 27, tinanong ni King of Talk Boy Abunda sa 'Fast Talk' segment si Mommy Grace kung ano, sa pagitan ng score na one to ten, ang rating niya sa galing ni Miguel sa pagluluto.

Natatawang sagot ni Mommy Grace, “Negative one. Hindi po 'yan mahilig magluto eh. Egg na nga lang, nasusunog pa eh.”

Tinanong din siya ng batikang host kung ano ang rating niya sa kung gaano kakuripot ang kanyang anak, na binigyan naman niya ng seven. Samantala, 11 naman ang rating niya sa kung gaano ka-in love si Miguel ngayon.

Nang tanungin naman siya kung gaano kabuting anak si Miguel, ang sagot ni Mommy Grace, “Lagpas pa ng 10.”

“OK si Miguel kasi very responsible na anak. Very respectful and wala akong masabi. Sobrang mapagmahal. I love you,” sabi ni Mommy Grace.

MAS KILALANIN PA ANG COOKING CONTENT CREATOR NA SI MOMMY GRACE TANFELIX SA GALLERY NA ITO:

Tinanong rin ng batikan host kung ano ang sasabihin nina Mommy Grace at Miguel sa isa't isa kung magsasabi sila ng sorry at thank you. Dito, pinasalamatan ng rising content creator ang anak para sa suportang binibigay nito sa kanilang pamilya.

“Thank you anak, sa always kang nagsu-support sa family until now. Na-appreciate ko 'yun nang sobra-sobra. And maraming, maraming salamat na very responsible ka talaga na anak, 'yun talaga ang maipagmamalaki ko,” sabi ni Mommy Grace.

Pinasalamatan din ni Miguel ang kanyang mommy para sa pagmamahal na ipinaramdam nito sa kanilang pamilya.

Kuwento ng aktor, “Si Mommy kasi 'yung laging nag-aaya na 'O, labas tayo, kain tayo.' Siya 'yung parang gusto niya laging bonded 'yung family, siya 'yung nagyayaya lagi 'pag lunch, 'pag dinner, so thank you for keeping the family together. Siya 'yung parang glue.”

Humingi rin si Miguel ng sorry kung lagi siyang wala sa bahay dahil abala sa kanyang mga proyekto na sinagot naman ni Mommy Grace na naiintindihan niya ito.