GMA Logo Ruru Madrid, Martin del Rosario
Source: martinmiguelmdelrosario/IG
What's on TV

Ruru Madrid, Martin del Rosario, na-challenge ng kanilang roles sa 'Lolong: Pangil ng Maynila'

By Kristian Eric Javier
Published June 12, 2025 4:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Mare, Ano'ng Latest? (December 25, 2025)
Man nabbed for alleged illegal sale of firecrackers in Zamboanga City

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid, Martin del Rosario


Nagkuwento sina Ruru Madrid at Martin Del Rosario kung papaano sila na-challenge sa kanilang roles sa 'Lolong: Pangil ng Maynila'

Sa nalalapit na pagtatapos ng hit GMA Prime series na Lolong: Pangil ng Maynila, hindi maitatanggi nina Ruru Madrid at Martin del Rosario na sinubok sila ng kani-kanilang roles na sina Lolong at Ivan sa serye.

Sa pagbisita nila sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, June 11, ibinahagi nina Ruru at Martin kung papaano sila na-challenge sa kanilang roles. Ayon sa tinaguriang primetime action hero, sa paggawa pa lang ng action drama series ay isang challenge na.

“Sabi ko, I made sure na kung ano ' yung level of commitment na binibigay ko when it comes to action, same din pagdating sa drama. So kapag pinag-combine mo pa parehas 'yun, hindi po siya madali, pero dahil po sa pagtutulungan ng lahat, naging collaborative ang lahat from the directors, the cast, lahat, the creatives, nagiging madali po 'yun,” sabi ni Ruru.

Naging challenge din umano para kay Martin ang kaniyang karakter na si Ivan dahil parte ng personalidad nito ay pagiging troubled.

“Parang sa part one, akala, patay na siya, bigla siyang nabuhay, nahiwalay siya sa tao e, so hindi niya kayang mag-build ng connection sa kanino man kaya din siya naging kontrabida,” sabi ni Martin.

Pagpapatuloy pa ng aktor tungkol sa kaniyang karakter ay longing ito makabuo ng koneksyon at magkaroon ng pamilya. Aniya, “Gusto lang niya na matanggap siya pero sa lahat naman ng desisyon, may tama at mali. Si Ivan, pinili niya 'yung paghihiganti.”

Saad pa ng aktor, hindi rin nakatulong ang pillars ng kaniyang karakter na sina Jean Garcia at John Arcilla na mga troubled din.

“Kasi 'yung mga pillars niya, si Miss Jean, si Tito John, mga troubled din e, masasama din. So what an influence,” sabi ni Martin.

Samantala, pressured man ay proud pa rin si Martin na makatrabaho at makaeksena sina Jean at John sa Lolong.

“Nakaka-proud, nakaka-challenge, nakakatuwa. Alam mo 'yung tuwing pupunta ako ng set ng Lolong, siyempre laging alam kong kailangan ko ibigay 'yung best ko,” sabi ng aktor.

TINGNAN ANG MGA HULING ARAW NG TAPING NG 'LOLONG: PANGIL NG MAYNILA' NA IBINAHAGI NI RURU SA GALLERY NA ITO: