GMA Logo Janice de Belen
source: Fast Talk with Boy Abunda, kailaestrada/IG
What's on TV

Janice de Belen, nagsalita na sa relasyon ng anak na si Kaila Estrada kay Daniel Padilla

By Kristian Eric Javier
Published May 30, 2026 10:03 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Katrina Halili accepts trophy for Kris Lawrence at PMPC Star Awards for Music 2026
Baus Rufo on creative versatility, shifting careers, and childhood dreams
Japanese Embassy says temporary visa for Filipinos is still free

Article Inside Page


Showbiz News

Janice de Belen


Nagbigay ng pahayag si Janice de Belen tungkol sa relasyon ng anak na si Kaila Estrada kay Daniel Padilla.

Isa sa mga pinag-uusapan ngayon na celebrity pairings ay ang relasyon ng anak ni Janice de Belen na si Kaila Estrada at boyfriend nitong si Daniel Padilla.

Unang kumalat ang mga haka-haka ng netizens na may relasyon sina Kaila at Daniel noong late 2025. Nitong April 2026, tila hinard launch na ng aktres ang aktor nang mag-post ito ng ilang litrato nila sa Instagram stories.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, May 29, sinabi ni Janice na masaya lang siya para sa kaniyang anak, bilang isang magulang.

“When you see that your child is happy, ano'ng karapatan mong makialam at gumitna du'n sa happiness? Basta happy ka, 'yun lang ang gusto ko,” sabi ni Janice.

Ibinahagi pa ng batikang aktres ang naging payo niya sa lahat ng mga anak niya, “I always tell my children kasi, 'Since gusto n'yo 'yung relationship na 'yan, there will always be misgivings coming from me. Kasi ang gusto ko lang naman as a parent, hindi sila masaktan. 'Yun lang 'yun, 'yun lang 'yun, 'wag masaktan, 'wag mahirapan.”

Inamin ni Janice na kung maaari, ayaw niyang danasin ng mga anak ang sakit na dinanas din niya dahil sa pag-ibig noon. Ngunit paglilinaw ng aktres, kahit ganoon ay hindi pa rin niya ipipilit ang gusto niya.

“Naging rebelde rin ako in a way and I've always asked my parents to trust me, so nagri-ring 'yun sa ulo ko every time na naiinis ako o parang 'Tama ba 'to?' Lagi kong naiisip 'yun. 'Huy, Janice. 'Di ba, sabi mo rin 'yan dati, pagkatiwalaan ka?' I have to trust my children na kaya nila, kaya nilang panindigan,” sabi ng aktres.

BALIKAN ANG STUNNING PHOTO SHOOTS NI KAILA ESTRADA SA GALLERY NA ITO: