Napanood bilang bagong guest sa Fast Talk with Boy Abunda ang GMA Network Senior Vice President for Programming, Talent Management, Worldwide and Support Group, and President and CEO of GMA Films na si Atty. Annette Gozon-Valdes.
Bago mapanood bilang isa sa mga judge ng upcoming talent competition ng GMA na Battle of the Judges, pinaunlakan ni Atty. Annette ang imbitasyon at interview sa kanya ni Tito Boy, na isa sa mga makakasama niya sa naturang show.
Kabilang sa mga napag-usapan nilang dalawa ang vision ni Atty. Annette para kina Alden Richards, Barbie Forteza, Julie Anne San Jose, Miguel Tanfelix, Ruru Madrid, at iba pang Sparkle stars.
Balikan ang ilang highlights sa naging panayam ni Tito Boy kay Atty. Annette sa gallery na ito.
Si Atty. Annette Gozon-Valdes ang isa sa mga taong may napakalaking ambag sa tagumpay na tinatamasa ng Sparkle, ang talent arm ng GMA Network.
Kilala si Atty. Annette Gozon-Valdes bilang isa sa mahuhusay na leaders sa entertainment industry.
Sa 'Fast Talk With Boy Abunda,' ibinahagi ni Annette kung ano ang vision at mensahe niya para sa Sparkle stars na sina Alden Richards, Barbie Forteza, Julie Anne San Jose, Miguel Tanfelix, Ruru Madrid, at iba pa.
Nang tanungin ni Boy Abuinda si Atty. Annette tungkol sa Asia's Multimedia Star na si Alden Richards, ito ang kanyang sagot, “Si Alden [Richards] aside from maintaining what he has… he has a lot of business ventures, so parang nabubuo niya talaga 'yung pagkatao niya in the showbiz industry.”
Masaya ring ibinahagi ni Atty. Annette kung ano ang masasabi niya tungkol kay Barbie Forteza. Pahayag niya, “Si Barbie [Forteza], she'll be starring in some movies aside from starring in the biggest shows of GMA… Because of Maria Clara and Ibarra, I think nagkaroon pa siya ng additional breakthrough in her career, pataas pa 'yan ng pataas.”
Tungkol naman kay Julie Anne San Jose, sabi ni Atty. Annette, "With Julie Anne [San Jose], she's a Multimedia actress. She's really a singer first and foremost pero nakita natin 'yung galling niya sa Maria Clara and Ibarra. So, ang laki rin ng potential niya sa acting. She's the total package."
Ganito naman inilarawan ni Atty. Annette si Ruru Madrid, “Siya ang talagang action star ng GMA. His projects for the next twoyears ay naka-line up na. May movies din na ginagawa ang GMA Films at other film productions.”
“Si Miguel [Tanfelix], nagsimula nga siya 5 years old sa Mulawin. He's a very very good actor. Nakita natin sa Voltes V: Legacy kaya rin niyang mag-action. He also has an upcoming movie," sabi ni Atty. Annette tungkol sa isa sa mga lead actor ng 'Voltes V: Legacy.'
Nasorpresa si Atty. Annette nang mapanood at mapakinggan niya ang mensahe ng ilang Sparkle stars para sa kanya.
Sa segment ng programa na "Fast Talk," ibinahagi ni Atty. Annette kung ano ang panalangin niya para sa Sparkle stars, “Sana lahat sila maging successful at maging fulfilled as persons.”