Rio Locsin is a classic beauty in these photos

Kinikilala ang batikang aktres na si Rio Locsin bilang isa sa mga may magagandang mukha sa industriya magpahanggang ngayon.
Mahigit apat na dekada nang artista ang seasoned actress at masaya siya na patuloy pa rin siyang napapanood sa screen. Sa katunayan, kabilang siya sa cast ng upcoming full action series na 'Black Rider,' na mapanood sa GMA Telebabad simula ngayong Nobyembre 6.
Kilala si Rio sa kanyang nunal sa kanang pisngi. Sa panayam ni Boy Abunda sa 'Fast Talk with Boy Abunda' noong Martes, October 10, sinabi ng aktres na never pinatanggal o pinatakpan sa kanyang nunal, na kalaunan ay naging trademark niya.
Bahagi niya, "Gusto nila 'yang nunal kasi parang trademark na. Tinutuluan lang ng luha pero bagay naman daw sa mukha ko. Walang distraction, walang nagsabi na patanggal."
Pero ayon kay Rio, nagpatanggal siya ng tatlong nunal pero hindi rito kasama ang kanyang trademark na nunal.
"Kasi may nagsabi sa 'kin, 'Ano ba 'yan, connect the dots?' Nagtanggal ako ng tatlo, naiwan lang talaga 'yung trademark."
Animnapu't dalawang taong gulang na ngayon si Rio at nananatili pa rin ang kanyang karisma sa mga manonood. Pero ano nga ba ang sikreto sa kanyang legendary beauty?
Sagot ng mahusay at magandang aktres, "Hindi ko po alam pero siguro masayahin lang din siguro akong tao, at saka ayoko masyadong namomroblema. 'Yung problema kasi nagagawan ng paraan. Diyos lang talaga."
Balikan ang ilang throwback photos ni Rio sa gallery na ito.














