Chelsea Manalo gets candid with Boy Abunda; names strongest rival during the competition

It's a Manalo day sa hit at viral talk show na Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) dahil pambungad sa bagong linggo ang exclusive interview ng King of Talk kay Miss Universe Philippines (MUPH) 2024 winner Chelsea Manalo.
Ika nga ng maraming pageant experts pagkatapos ng MUPH na “dark horse” si Miss Bulacan Chelsea Manalo at tinalbugan pa niya ang ilan sa front runners this year tulad na lang nina Ahtisa Manalo at Christi McGarry.
Natanong ni Boy Abunda si Chelsea kung anong naramdaman niya nang hindi siya itinuring bilang front runner sa simula ng Miss Universe Philippines pageant.
Lahad niya, “I see there are a lot of girls there na sobrang strong and competitive, so in my head, I told myself that if I'm going to perform and go out of the stage, I would just give my all.”
Dagdag ni Chelsea, “We really don't know kung sino 'yung puwede makauwi ng crown.”
Alamin ang naging sagot din ni Chelsea sa tanong ni Boy Abunda kung sino ang sa tingin niya ang kanyang strongest competition noon sa pageant at kung natakot ba siya na makaharap ang fan favorite na si Miss Iloilo Alexie Mae Brooks.
Basahin ang ilang detalye sa one-on-one interview ni Boy Abunda sa ating pinakabagong Miss Universe Philippines queen sa gallery na ito!
Mapapanood ang mga viral na chikahan sa Fast Talk with Boy Abunda, weekdays sa bago nitong oras na 4:00 p.m. simula May 27.









