Bea Alonzo's approach to life post-breakup: 'I'm embracing the uncertainty'

GMA Logo Widows War, Bea Alonzo, Carla Abellana
Source: Bea Alonzo

Photo Inside Page


Photos

Widows War, Bea Alonzo, Carla Abellana



Mahigit limang buwan matapos ang controversial breakup ni Bea Alonzo, masaya siyang muling sumalang sa Fast Talk with Boy Abunda noong July 11.

Dito, puso sa pusong kinumusta ng batikang TV host na si Boy Abunda si Bea pagkatapos nitong dumaan sa matitinding pagsubok sa kaniyang personal na buhay.

Kuwento ni Bea kay Boy, “I was really enjoying my life. I guess I'm embracing the uncertainty. Kasi na-realize ko, minsan marami tayong plano sa buhay natin, pero God's plans are always better and so I'm just here to embrace uncertainty kung ano 'yung nakalaan para sa akin.”

Ayon kay Bea, mas naging malakas at matibay siya ngayon dahil sa kaniyang mga pinagdaanan.

“Well, I've always known I am resilient but didn't know I'm this resilient. It made me stronger and natutunan kong i-cancel talaga 'yung mga noise na hindi kailangan sa buhay ko and just accept and embrace those opinions that adds value to my life,” ani Bea.

Kuwento pa ng Kapuso actress, malaki ang naitulong ng suporta ng kaniyang pamilya at mga kaibigan upang malagpasan niya ang mga kinaharap na problema.

“Malaking bagay 'yung support system - my family and my friends especially on the recent one, I really made sure that mas introspective 'yung process. I really made sure that I reflect on the things na mga pagkakamali ko or 'yung mga bagay na nakasakit ng loob ko,” paglalahad ni Bea.

Sinabi rin ng aktres na mas naging matibay ang relasyon niya sa Diyos ngayon at naniniwala siya na may mas magandang plano para sa kaniya.

Aniya, “I guess that also made my relationship with God stronger because it's all about trust and acceptance.

“First, you have to accept the circumstances, the current situation that you are in and trust that there will be better days and I have better days now. I feel like there will be more better days in the future.”

Sa pagbubukas ng bagong kabanata sa kaniyang buhay, masaya at puno ng pasasalamat daw na iiwan ni Bea ang kanyang nakaraan.

“Maraming salamat. I'm grateful. I'm grateful to all the beautiful memories and even the not so beautiful memories because it made me stronger, it made me who I am right now,” anang aktres.

Samantala, napapanood ngayon si Bea sa trending at pinag-uusapang murder mystery series na Widows' War sa GMA Prime.

Balikan ang mga eksenang patok sa viewers na napanood sa pilot episode ng 'Widows' War' sa gallery na ito.


Widows' War 
Paco's death
Jean Garcia as Aurora Palacios
Palacios 
Sam and George 
Struggles 
Castillo family 
Balay family
To the rescue 
Sexual abuse 
Sampalan   
Friendship over  
Cemetery 
Grieve 
Sam meets Paco 
Next 

Around GMA

Around GMA

Cardinal Tagle visits the UAE for Simbang Gabi
Ika-169 nga kaadlawan sang Ilonggo nga baganihan nga si Graciano Lopez Jaena, ginakomemorar
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories