Kyline Alcantara, na-miss ang pagiging isang kontrabida

Isa si Kyline Alcantara sa mga young actres hinangaan na kontrabida sa telebisyon. Bukod dito, napatunayan na rin niya ang galing niya sa pag-arte, na naging dahilan para makagawa ng lead roles.
Pag-amin pa niya, hindi na pagiging kontrabida ang kaniyang comfort zone ngayon at katunayan, natatakot at kinakabahan na siya para rito. Ngunit sa upcoming Philippine adaptation ng well-loved Korean series na Shining Inheritance ay magbabalik si Kyline bilang isang kontrabida.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, August 29, ikinuwento ni Kyline kung bakit nga ba siya nagbalik sa pagiging isang kontrabida:









