Shan Vesagas, na-inlove nga ba kay Esnyr?

Aminado ang Sparkle at MAKA star na si Shan Vesagas na tuluyan na siyang na-inlove sa social media star at ngayon ay Pinoy Big Brother Celebrity Collab housemate na si Esnyr, ngunit bilang kaibigan lang.
Sa pagbisita ni Shan kasama ang kapwa MAKA stars na sina Bryce Eusebio, Elijah Alejo, at Chanty Videla, sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, April 15, tinanong ni King of Talk Boy Abunda ang aktor tungkol sa kaniyang relasyon sa naturang social media star sa “Fact or Fake” segment ng show.
Tanong ni Boy kay Shan, “Shan, na-inlove kay Esnyr? Fake, or Fact?”
Sagot ng young actor, “Fact, to some extent, as friends.”
Paliwanag ng aktor, na-in love siya sa drive ni Esnyr, at sinabing malayo at malalim na tao ang social media star, kumpara ssa online persona na ipinapakita nito.
“Online, Esnyr is a comedian, jolly, but outside, very much - may substance talaga siya kausap, in life, and we carried our relationship from the series up into personal. So na-inlove ako sa ugali niya talaga, sa pamilya niya, sa mga kaibigan niya,” sabi ng aktor.
Matatandaang unang nakilala si Shan sa online series ni Esnyr na High School Crush Moments bilang isa sa love interests ng karakter ng social media star. Kwento ni Shan ay social media friends na sila ni Esnyr bago pa man nagsimula ang naturang online series.
Sa pagbisita ni Shan sa “ Unang Hirit Kitchen” noong March 25, inamin ng aktor na utang niya ang kaniyang karera ngayon kay Esnyr.
“Noong kinuha ako ni Esnyr, we're just social media friends talaga. Noong nangyari na 'yung series, doon po kami naging close talaga and winorkout ko 'yung relationship namin as friends,” sabi ng young actor.
Pahayag pa ni Shan, “I have to admit it na I owe him my career. He was the one who paved the way for me to even be here in GMA. So ayun admitted ko po iyon so talagang winorkout ko 'yung friendship namin.”
IN PHOTOS: Esnyr and Shan's friendship







