
Mapapanood na ang comeback TV program ng nagbabalik-Kapuso at tinaguriang King of Talk na si Boy Abunda, ang Fast Talk with Boy Abunda, ngayong Lunes, January 23, sa GMA Afternoon Prime.
Sa pilot episode nito mamaya, buena manong sasalang sa “Fast Talk” at hot seat interview ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.
Sa pagsalang ni Marian sa isang intense interview kasama si Boy, ano nga kaya ang kanyang napipisil na rebelasyon? Ito kaya ay tungkol sa kanyang bagong programa at pagbabalik-primetime? Pagsisimula ng bagong negosyo? O, 'di kaya ay ikatlong anak sa kanyang mister at Family Feud host na si Dingdong Dantes? 'Yan ang dapat abangan at tutukan.
Ang Fast Talk with Boy Abunda ay ang pinakabagong multi-platform showbiz news and talk show kung saan isa-isang hihimayin ang mga pinakamaiinit na isyu sa showbiz at bibigyang pagkakataon ang celebrities na sumalang sa kaabang-abang na hot seat interviews.
Dahil din sa laganap na ngayon ang fake news at unreliable sources online, layunin din ng programa na maging isang credible go-to source patungkol sa lahat ng mga kaganapan sa showbiz industry.
Sa panayam ni Boy sa press noong nakaraang linggo sa media conference ng naturang programa, inamin niya na challenging para sa kanya at sa produksyon ang maging una sa balitang pang-entertainment.
Aniya, “I am cognizant of where I am today. Hindi lamang reporters, hindi lamang tayo ako'y may YouTube, ikaw ay may YouTube, may Facebook. Everybody has become an active participant in the communications ecosystem.
“So we have to step-up, we have to be able to present how we're gonna do 'Fast Talk.' Ang 'Fast Talk' naman is specific and personal to the guest.”
Mapapanood ang Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m. sa loob ng 20 minuto, sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.
SAMANTALA, MAS KILALANIN ANG KING OF TALK NA SI BOY ABUNDA SA GALLERY NA ITO: