GMA Logo Fast Talk with Boy Abunda, Week 1
What's on TV

Ang mga pinag-usapang showbiz issue sa pilot week ng 'Fast Talk with Boy Abunda'

By Jimboy Napoles
Published January 30, 2023 3:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

TD Wilma makes landfall in Eastern Samar—PAGASA
#WilmaPH moves north of E. Samar, over waters of Dolores
Netflix is buying Warner Bros.

Article Inside Page


Showbiz News

Fast Talk with Boy Abunda, Week 1


Balikan ang mga maiinit na showbiz balitang pinag-usapan sa unang linggo ng 'Fast Talk with Boy Abunda.'

Pasabog ang unang linggo ng bagong multi-platform showbiz news talk show na Fast Talk with Boy Abunda kasama mismo ang tinaguriang King of Talk na si Boy Abunda.

Ilan sa mga bigating pangalan sa showbiz industry ang naging bisita ni Boy sa pilot week ng programa kung saan sumalang sila sa segments na “Fast Talk” at “The Talk.”

Narito ang mga maaanghang na rebelasyon nina Marian Rivera, Glaiza De Castro, Bea Alonzo, Alden Richards, Buboy Villar, at Paolo Contis:

Marian Rivera, kinumpirma ang pagbabalik-teleserye ngayong 2023

First-time sa Fast Talk with Boy Abunda, kinumpirma ng aktres na si Marian Rivera ang kanyang pagbabalik primetime.

Si Marian ang naging unang celebrity guest ni Boy sa pilot episode ng naturang programa.

Nang tanungin ni Boy ang mga susunod na plano ni Marian sa kanyang career, ito ang kanyang naging sagot, “Sa work, talagang hinahanap ko na rin talaga [ang pag-arte] kaya abangan niyo po ang pagbabalik ko ngayong 2023, nag-promote? Nag-promote na.”

Glaiza De Castro at David Rainey, matagal nang plinano ang dalawang kasal

Inamin ng newlyweds na sina Glaiza De Castro at David Rainey sa Fast Talk with Boy Abunda na matagal nang nakaplano ang kanilang muling pagpapakasal sa Pilipinas.

Ayon kay Glaiza, may mahalagang ambag ang dagat sa relasyon nila ng kanyang asawa na si David kung kaya't malapit din sa dagat sila muling ikinasal.

Kuwento ni Glaiza, “Very significant po sa amin ang dagat, nag-meet kami malapit sa dagat, nag-propose siya sa akin sa harap ng dagat, 'kinasal kami sa Ireland sa harap din ng dagat, and we wanted to continue that.”

Buboy Villar, "Oo" ang sagot kung pakakasalan si Jelai Andres?

Mabilis ang naging tugon ng Kapuso young comedian na si Buboy Villar sa Fast Talk with Boy Abunda kung pakakasalan ba nito ang vlogger-actress na si Jelai Andres.

Isa sa naging katanungan ni Boy para kay Buboy ay tungkol sa kaibigan niya na si Jelai.

“Halimbawa lamang sa araw na ito, January 24, kung magpapakasal ka sa isang babae, alam ko wala pa kayo ni Jelai, pakakasalan mo ba si Jelai? Oo o hindi?” mabilis na tanong ni Boy kay Buboy.

“Opo,” tugon naman nito.

Agad naman napangiti si Boy at mismong si Buboy sa kanyang naging sagot.

Alden Richards reveals feeling burned out: "Wala na po akong identity"

Matapang at puno ng emosyon na inamin ng Kapuso actor na si Alden Richards sa Fast Talk with Boy Abunda na dumating na rin siya sa puntong napagod na siya sa lahat ng demands at pressure na kaakibat ng tinatamo niyang kasikatan.

Aniya, “'Pag celebrity ka, you always cater to what people want… especially sa lahat ng feedback sa 'yo, pinakikinggan mo to appease them [at] para mabigay 'yung gusto nila. At a certain point, nakakapagod din pala siya.”

Ayon pa kay Alden, naramdaman niya na tila nawalan na siya ng identity dahil sa pressure ng kaniyang kasikatan.

“Dumating din ako sa point when I was really burned out from all these demands and things that people want from me…. wala na po akong identity,” pag-amin ni Alden.

Alden Richards, inaming humingi ng tawad kay Julie Anne San Jose: "Naiwan ko po siya"

Inamin ni Alden Richards sa Fast Talk with Boy Abunda na muntik na niyang maging girlfriend ang kaibigan at aktres na si Julie Anne San Jose.

Agad na tinanong ni Boy kung bakit hindi natuloy ang kanilang relasyon ni Julie.

“It was my fault po Tito Boy. I decided to focus na lang talaga sa work,” ani Alden.

Inilahad ng aktor na kinausap niya na noon si Julie upang humingi ng tawad dahil pag-amin niya, “naiwan ko po siya.”

Sabi ni Alden kay Julie, “I'm really sorry for what happened. Iniwan kita. There's no one to blame but me. And I'm very sorry. Sana napatawad mo na ako."

Ayon pa kay Alden, seven years silang hindi nag-usap ni Julie Anne, pero paglilinaw ng aktor ay naka-move on silang dalawa at magkaibigan na sila ngayon.


Bea Alonzo on possibility of being friends again with Gerald Anderson: "Siguro hindi"

Matapang na sinagot ni Bea Alonzo sa Fast Talk with Boy Abunda kung kaya niya pang maging kaibigan muli ang ex-boyfriend niya at aktor na si Gerald Anderson.

Sa panayam ni Bea sa sa naturang programa, direktang tinanong ng huli kung kaya niya pang maging kaibigan ang aktor.

“Kaya mo bang makipag-kaibigan kay Gerald Anderson?” tanong ni Boy kay Bea.

Dito ay ibinahagi ni Bea ang kanyang totoong saloobin. Aniya, “Sa ngayon, hindi ko alam kung gaano magiging kabukas o kalaki ang puso ko.

“But sa ngayon, real talk, I can never be friends with somebody I cannot trust and somebody who doesn't take responsibility for his actions. So, siguro hindi,” matapang na sagot ni Bea.

Paolo Contis on his past relationships: "I'm really learning to own up to my mistakes"


Ibinahagi ni Paolo Contis na inaayos niya na ngayon ang lahat ng naging gusot niya sa kanyang mga nagdaang relasyon.

Aminado si Paolo na nagkamali siya sa kanyang mga nagdaang relasyon kung kaya't agad siyang humingi ng tawad para rito.

“Fact is, lahat ng mali ko, alam ko. Kaya ako nag-sorry, e. I posted an apology because I know I was wrong. I knew I was wrong and I said I am sorry. But I don't wanna justify my mistake because ang mistake ay mistake,” paglilinaw niya.

Ibinahagi rin ng aktor na inaayos niya na ang kanyang mga maling nagawa at ipinapaliwanag niya na ito sa mga taong kanyang nasaktan.

“I'm really learning to own up to my mistakes, I've been apologizing to everyone concerned. I've been telling the truth not to the public though…I've been telling them kung sino man ang concern the truth about everything,” sabi ni Paolo.

Para sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.

SAMANTALA, TINGNAN ANG ILANG MGA SCENES SA PICTORIAL NG FAST TALK WITH BOY ABUNDA SA GALLERY NA ITO: