TV

Joaquin Domagoso, inaming nasaktan sa mga paninira sa amang si Isko Moreno noong nagdaang eleksyon

By Jimboy Napoles

Diretsahang inamin ni Joaquin Domagoso sa Fast Talk with Boy Abunda na nasaktan din siya sa mga hindi magandang nangyari sa nagdaang 2022 elections kung saan tumakbo sa pagka-president ang kanyang ama na si Isko Moreno.

Sa pagsalang ni Joaquin sa “The Talk” interview sa naturang programa, tinanong ng batikang host na si Boy Abunda si Joaquin, “Sa nagdaang eleksyon, bilang anak ni Isko Moreno, meron ka bang tampo sa industriya dahil hindi overwhelming ang suporta ng show business sa tatay mo?”

Dito ay emosyonal na nagsalita si Joaquin tungkol sa kanyang saloobin. Aniya, “'Yung mismong friends ko sa showbiz, 'yun 'yung hindi ko ma-gets e, because they know me and they know my dad and I talk about my life with them.”

Ayon kay Joaquin, nasaktan siya sa kanyang ilang mga kaibigan na nagpakalat din ng paninira tungkol sa kanyang ama.

Aniya, “I get it when you don't show to support my dad, gets ko rin, pero when you share stuff discrediting my dad, sobrang sakit nun sa akin kasi … You know me when I talk to you e, sobrang friendly ko, I'll tell you all the nicest things.”

Paglilinaw ng binatang aktor, walang problema sa kanya kung magkakaiba man sila ng sinuportahan na kandidato sa halalan.

“I don't hate anybody about it wala akong paki like binoto mo 'to ganun o sinuportahan mo, when I see you I'm still the same JD, bestfriend pa rin. Masakit lang sa akin, masakit lang po,” ani Joaquin.

Sa kabila nito, marami namang natutunan si Joaquin sa mga nangyari sa eleksyon.

“Natutunan ko po sa election is everybody has an opinion and you just have to respect it kasi sa dulo lang mag-aaway pa kayo e. Everybody just ended up fighting. 'Yun 'yung masakit na lahat kayo nag-aaway for people that you don't know,” pagbabahagi niya.

Masaya naman ang aktor dahil natapos na ang naturang halalan at nakakapagsimula nang muli ang mga tao.

“I'm just happy that it's done because now that it's done everyone is breathing again,” nakangiting sinabi ni Joaquin.

Samantala, kamakailan lamang ay muling nakatanggap ng pagkilala si Joaquin sa kaniyang mahusay na pagganap sa pelikulang 'The Boy in the Dark.'

Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:50 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.

MAS KILALANIN SI JOAQUIN DOMAGOSO SA GALLERY NA ITO: