
Bukod sa pagiging aktor, isa na ring ganap na film director ang Kapuso leading man na si Xian Lim kung kaya't hindi pinalampas ng King of Talk na si Boy Abunda na hindi niya maranasan na mai-direk ni Xian sa pagbisita nito sa Fast Talk with Boy Abunda.
Matapos ikuwento ni Xian kung paano nagsimula ang kanyang journey sa pagiging isang direktor, agad na itinulay ni Boy ang kanyang naiisip upang ma-test ang skills ni Xian.
Aniya, “I've always wanted to become an actor pero 'wag niyo po akong seseryoshin. But totoo ito Xian, I always been fascinated by actors, because people… ang akala ng mga tao napakadali umarte.
“Halimbawa lamang Xian, ito ay on the spot. Direct me, I'm an actor and I listen to my director.”
Game naman si Xian sa naisip gawin ni Boy. Tanong niya sa batikang host, “Ano ba yung dream role mo? Ano ba yung naiisip mong eksena?”
“Leading man siyempre, 'yung meron akong ka-love team,” seryosong sagot naman ni Boy na tila nagko-concentrate na sa kanyang eksena.
Matapos ito, nagbigay na ng instruction si Xian kay Boy sa gagawin niyang eksena. Aniya, ”Usually kapag leading man meron kang soundboard which is your best friend doon mo sinasabi 'yung mga nararamdaman mo, doon ka nag-o-open up. So meron kang one, two, three, four cameras…”
Sa kalagitnaan ng eksena ni Boy, agad na sumingit si Xian at dinala ang TV host sa gitna ng platform sa studio. “Cut muna Tito Boy, dito tayo,” ani Xian.
Tila nabigla naman si Boy at pabirong sinabi, “Ganyan talaga ang artista, tinutulak-tulak ng direktor?”
Nagtawanan naman ang mga staff sa studio pero tuloy pa rin ang dalawa sa kanilang ginagawang eksena.
“Xian…may gusto akong ilabas na nararamdaman kasi may gusto akong ligawan ang panagalan niya si Bang…Bang Arispacochaga. Mahal na mahal ko siya,” sambit ni Boy na in-character bilang leading man.
Pero binigyan naman ng twist ni Xian ang eksena nang hilain niya papunta sa kanyang harap si Boy at sinabing, “Bang Arispacochaga? Akala ko ako ang mahal mo? Bakit ganun?”
Muling naghiyawan ang crew sa studio na naaliw sa ginawang skit nina Boy at Xian.
“It's hard,” ani Boy sa kanyang ginawang pag-arte.
“Sorry Tito Boy,” natatawang sinabi ni Xian.
Samantala, abangan ang pagbabalik primetime ni Xian sa upcoming sports drama na Hearts On Ice, ngayong March 13 na sa GMA Telebabad.
Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.
SILIPIN ANG POGI PHOTOS NI XIAN LIM SA GALLERY NA ITO: