
Ibinahagi ni Liza Soberano sa kanyang exclusive interview sa Fast Talk with Boy Abunda ang kanyang naging karanasan noon sa isang taping ng ginagawa niyang proyekto kung saan tila nabigyan ng ibang kahulugan ng produksyon ang kanyang pagbibigay ng input sa script ng kanyang karakter.
Sa pagsalang ni Liza sa panayam kasama ang TV host na si Boy Abunda, nilinaw ng aktres na pawang katotohanan lamang ang kanyang mga sinabi sa kontrobersiyal niyang vlog na pinamagatang “This is Me” kung saan sinabi niya rito na tila hindi siya nahingan ng input sa mga proyektong kanyang ginawa noon.
Kaugnay nito, nagkuwento si Liza kay Boy ng kanyang naging karanasan noon kung saan tila nabigyan ng ibang kulay ang pagbibigay niya ng opinyon.
Kuwento ni Liza, “When I started really falling in love with acting, merong mga moments po like sa taping, this is just in taping, this is not management level or anything.
“When I started like really understanding how acting works, started understanding character development and everything, meron pong mga times na I will talk to the director, I will talk to the production assistants, I will talk to the writers and be like, 'Sa tingin ko po hindi sasabihin ng character ko ito, hindi gagawin ng character ko ito, ' and sometimes they would negotiate like they say, 'A, no, kailangan talaga ito 'yung mangyari para sa ganitong trajectory ng character mo.'”
Matapos ito hindi inasahan ni Liza na pag-uusapan siya ng ilang tao sa produksyon at tinawag pa siyang 'little producer.'
Aniya, “Pero I didn't know that behind my back, actually a really close director friend of mine, told me na, they will talk about me behind my back during pre-prod meetings and call me, 'little producer,' and so ever since, after that, parang I felt like I didn't have the right to bring this up kasi feeling ko nao-offend ko 'yung mga tao sa paligid ko which was not my intention.”
Sa intindi ni Liza ay tama lang ang magbigay opinyon sa script bilang isang aktor.
“I thought as an actor that it was my job to also ask questions, to help improve the story, to help to be collaborative,” sabi ng aktres.
Tinanong naman ni Boy kung inilapit ba ito ni Liza sa kanyang management noon at ito ang naging sagot ng aktres.
Aniya, “Nagsabi po ako kay Tito Ogie [Diaz], but then dahil hindi ko po masabi kung sino 'yung nagbibigay ng information sa akin na 'yun, you know, he can't really do anything about it.”
“So you just decided to just…” singit na pahayag ni Boy.
“Stay quiet,” dugtong naman ni Liza.
Ayon pa sa aktres, inisip niya rin noon na baka mali rin ang kanyang ginawa na kuwestiyunin ang ang materyal na ibinigay sa kanya.
“Naisip ko baka ganun lang talaga ang showbiz. Iniisip ko pa nga maybe ako 'yung rude for questioning the creative decisions,” anang aktres.
Dahil dito, muling nagtanong si Boy, “But you were not happy?”
“It's not that I wasn't happy but I also wasn't fulfilled. I just wanted to feel heard or listened to,” sabi ni Liza.
Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.