TV

Paul Salas, nawala ang past traumas sa relationship nang maging GF si Mikee Quintos

By Jimboy Napoles

Proud na ibinahagi ng aktor na si Paul Salas sa Fast Talk with Boy Abunda kung paano siya natulungan ng kaniyang girlfriend na si Mikee Quintos na ma-overcome ang kaniyang trauma sa pakikipagrelasyon.

Sa episode ng nasabing programa ngayong Huwebes, game na sumalang sina Paul at Mikee sa isang panayam kasama ang TV host na si Boy Abunda.

Dito ay ibinahagi ni Paul na matagal na pala siyang may trauma sa pakikipagrelasyon dahil sa naging paghihiwalay noon ng kaniyang mga magulang pero unti-unting niya itong na-realize nang makilala ang kaniyang nobya na si Mikee.

Kuwento niya, “So noong time po na pumapasok si Mikee sa buhay ko, ito 'yung time na masasabi kong doon ko siya ni-love dahil sa understanding niya sa akin, sa patience niya sa akin, dahil 'yung past traumas ko po alam kong hindi nag-work si dad and mom, love ko sila both, alam kong kahit may konting bias ako noong time na 'yun noong bata pa ako, ngayon alam kong both silang nagkamali doon kung ano man 'yung naging sitwasyon na 'yun.”

“So dumaan po sa akin 'yung trauma na, kapag iniiwan ng ka-relationship like sa girlfriend and all, so hindi ko po alam 'yun hanggang sa nakilala ko [si Mikee] at parang siya pa 'yung nakakakita no'n sa akin,” dagdag pa niya.

May 2022 nang mag-umpisang maging bukas sina Paul at Mikee patungkol sa kanilang relasyon hanggang sa tuloy-tuloy na ang kanilang pagbabahagi sa publiko ng kanilang sweet photos together.

Samantala, kasalukuyang mapapanood ngayon sina Paul at Mikee sa GMA Primetime series na The Write One kasama ang kanilang kapwa celebrity couple na sina Ruru Madrid at Bianca Umali.

Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.

SILIPIN ANG KILIG MOMENTS NINA PAUL SALAS AT MIKEE QUINTOS SA GALLERY NA ITO: