TV

Gelli de Belen, kung magpaalam ang anak na magpakasal: 'Iyak muna ako'

By Jimboy Napoles

Hindi pa handa ang celebrity mom na si Gelli de Belen kung sakaling maisipan na ng kaniyang mga anak na sina Julio at Joaquin Rivera na magpakasal.

Masaya ang naging kuwentuhan ng aktres na si Gelli at ng TV host na si Boy Abunda sa programang Fast Talk with Boy Abunda ngayong Lunes, March 27.

Bahagi ng kanilang panayam ay tungkol sa kaniyang pagiging ina ng aktres sa dalawang anak nila ng asawa niyang si Ariel Rivera.

Ayon kay Gelli, nalulungkot siya lagi sa tuwing aalis sa Pilipinas sina Julio at Joaquin upang mag-aral sa Canada pero madalas naman niya itong binibisita roon.

Matapos ito, tinanong ni Boy si Gelli kung ano ang magiging reaksyon nito kung sakaling magpaalam na ang mga anak na magpakasal.

Sagot ng aktres, “Iyak muna ako kasi alam kong hindi pa siya handa, pero as a parent [tatanungin ko], why? Why now?

“Puwede namang ma-in love pero hindi mag-aasawa agad.”

Pero ayon pa sa batikang aktres, marunong nang mag-isip ang mga kabataan ngayon at hindi ito mag-iisip na agad na magpakasal.

Aniya, “Pero you know what, the young ones now, hindi na sila katulad ng noong araw na kapag na-in-love e, gusto ng mag-asawa.

“With all the information nga naman that we have today, mas ano sila woke, mas aware."

Dagdag pa niya, “In fact, sinasabi ng mga anak ko na parang, 'With all the prices [hike], inflation, how can we even buy a house with the salaries that we're gonna get, how can we even...' Sabi ko, 'Yeah.'

Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.

SILIPIN ANG MASAYANG PAMILYA NINA GELLI DE BELEN AT ARIEL RIVERA SA GALLERY NA ITO: