TV

WATCH: Pasilip sa concert ng Ex Battalion

By Bianca Geli

 

Habang palapit na nang palapit ang anniversary concert ng Ex Battalion sa Ynares Sports Arena, sumalang sa studio rehearsal ang grupo.

Kuwento in Emcee Rhen, “Nandito tayo ngayon sa studio para mag-rehearse, kasama natin ‘yung band na makakasama natin para sa concert ng ExB.”

Pinasilip din ng ExB boys ang makakasama nila sa concert, ang Soul Tribe Band.

Kuwento naman ni Flow-G, isang sikreto ng ExB sa kanilang performances ay ang hindi pagre-rehearse para natural ang kanilang rap.

Aniya, “First time namin magre-rehearse para sa malupit na performance. Usually kasi, hindi na namin nire-rehearse ‘yung mga kanta kasi kami naman ang gumawa, kaya namin siya i-spit ng…anytime, ganun.”

Pero bakit parang may hindi pinagkasunduan sina Bosx1ne at ang ibang miyembro?

Ayon kay Bosx1ne, “Sa dulo parang may nawawala.”

Dagdag niya, “Hindi ko alam kung ano ‘yung nawala pero may nawala, kung ‘yung piano, o ‘yung bass.”

Ano kaya ito? Alamin sa episode 6 ng ExB Rules!.