TV

WATCH: Ex Battalion, kinabahan sa una nilang concert?

By Bianca Geli

 

Walong oras bago magsimula ang anniversary concert ng Ex Battalion sa Ynares Sports Arena, mukhang binagabag ng kaba ang ating mga ka-Ex B!

Kuwento ni King Badger, “First major concert po ito ng Ex B. Nakakakaba kasi siyempre gusto namin maging successful yung event. Alam namin na maganda yung kalalabasan kasi nakita na namin eh. But kinakabahan pa rin kami kasi ang daming tao eh.”

Ayon kay Bosx1ne, “Ready na po kami, siyempre. Tsaka excited ako kasi kumpleto na ulit ang lahat ng Ex B. Kasi dati, puro anim-anim lang, hindi kumpleto eh. Ngayon, kumpleto kaming lahat.”

May kani-kaniya rin silang paraan ng paghahanda, tulad ng pag-inom ng salabat, pagre-relax, at pagre-rehearse kahit na puyat.

Si Skusta Clee naman, medyo may kaba, “Kinakabahan ako mehn, wala pa nga akong tulog eh. Ayoko nang matulog, giyera na ‘to. Let’s do this.”

Dagdag ni Emcee Rhen, iba pa rin ang concert sa nakasanayan nilang performances. “Kinakabahan din ako. Iba kasi ito sa mga normal na ginagawa namin eh. Usually kasi kapag gigs gigs lang, Hindi ganito ka-preparado. Hindi nga kami nagri-rehearse kapag gigs, pero ito halos isang buwan kaming nag-rehearse. Maraming preparations ang ginagawa, sigurado naman akong ma-e-enjoy nila.”

Kumusta kaya ang first ever concert ng Ex Battalion? Alamin sa pinakabagong episode ng ExB Rules!