TV

WATCH: Boobay at Tekla, may blind items tungkol sa local celebrities

By Cherry Sun

May mga nakakalokang revelations sina Boobay at Tekla tungkol sa ilang local celebrities sa April 19 episode ng The Boobay and Tekla Show.

Nagbahagi ng blind items ang laugh-out-loud tandem at trending comedians sa kanilang episode na pinamagatang ‘Sense of Rumor.’ Hindi man nila pinangalanan kung sinong personalidad ang kanilang tinutukoy, juicy ang kanilang mga binitiwang detalye at clues.

Mahulaan niyo kaya kung sino ang aktor na nachichismis na bading at nahuling may kasamang pogi sa isang spa sa Quezon City? O kaya, sino ang sikat na atleta na umurong mag-guest sa isang taping dahil diumano’y humihingi ito ng mas mataas na talent fee?

Panoorin:

 

Samahan sina Boobay at Tekla para sa weekly dose of fun, laughter and good vibes tuwing Martes at Huwebes ng 5 P.M. Tutok lang sa  GMANetwork.com/TBATS, GMA Network YouTube channel at GMA Network Facebook page.