TV

TBATS: Netizens, napa-reminisce nang talakayin nina Boobay at Tekla ang pager, typewriter at ibang gamit noong '90s

By Cherry Sun

Isang #ThrowbackThursday episode ang hatid nina Boobay at Tekla nitong November 8. Pinag-usapan kasi nila sa The Boobay and Tekla Show ang ilang mga gamit noong '90s na hindi na kilala ng millennials ngayon.

Topic ng fun-tastic duo kung ano ang cassette tape, cassette player, rotary dial phone, beeper o pager, VHS tape, diskette, typewriter at plastic balloon.


Dahil sa kuwentuhan nina Boobay at Tekla, pati ang mga netizens na certified batang '90s ay napa-reminisce din.