GMA Logo Vice Ganda
PHOTO COURTESY: GMA Integrated News (YouTube)
What's on TV

Vice Ganda, labis ang pasasalamat sa Kapuso channel na GTV

By Dianne Mariano
Published June 21, 2023 9:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Vice Ganda


Puno ng pasasalamat ang 'Unkabogable Star' at TV host na si Vice Ganda sa GTV dahil mapapanood na rito ang longest-running noontime show ng Kapamilya network na 'It's Showtime.'

Labis ang pasasalamat ng comedian at Kapamilya host na si Vice Ganda sa GMA channel na GTV dahil sa pagkakataon na ibinigay nito na maging tirahan ng longest-running noontime show ng ABS-CBN na It's Showtime.

Matatandaan na pormal nang inanunsyo na mapapanood ang Kapamilya noontime variety show sa GTV simula July 1.

Sa panayam ni Aubrey Carampel ng 24 Oras sa "Unkabogable Star," ibinahagi nito ang taos-pusong pasasalamat sa GTV.

“Masayang masaya. Noong ibinalita sa amin, siyempre emosyonal kaming lahat kasi nasa kalagitnaan kami ng lungkot, 'yung parang nawalan ka ng tirahan tapos biglang may kukupkop na naman sa 'yo. We feel so special and we are very grateful to GTV,” saad niya.

Overwhelmed din daw si Vice sa mainit na pag-welcome sa kanila ng mga Kapuso. Aniya, “Ang dami ko ring friends sa GMA na nag-message sa akin agad, nakakatuwa. Very uncertain 'yung mga ganap kung ano'ng mga mangyayari pa pero it just gets more and more exciting. Win-win ito sa audience, sobrang panalo ang mga Pilipino rito.”

Handa na rin sina Vice at ang mga kasamahan nito sa It's Showtime na maghatid saya sa mga manonood at mayroon ding silang inihahandang mga bagong pasabog.

“Siyempre hindi namin sasayangin 'yung pagkakataong ibinibigay sa amin ng GTV at 'yung suporta, 'yung pagpapahiram nila sa amin ng matitirhan, sobra kaming nagpapasalamat doon at hindi namin sasayangin,” pagbabahagi niya.

Samantala, naglabas ng pahayag kahapon ang ABS-CBN at sinabing hindi na mapapanood ang It's Showtime sa TV5 simula July 1 kasunod sa mga pagbabago sa programming ng network. Kabilang dito ang bagong noontime program nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey De Leon, o ang TVJ.

“We don't [have bad feelings] sa TVJ, wala kaming gano'n ha. Napakaipokrita kapag sinabi mong hindi [kami] nalungkot noong sinabi sa amin na… Noong una pa lang, baka hindi na tayo mag-ere sa TV5, siyempre nalungkot din kami kasi hindi namin alam kung saan kami pupunta, so ano nang mangyayari? So, naaawa ako doon sa mga tao, sa staff namin, kasi sobra na silang naguguluhan. Pero ngayon naman malinaw na sa lahat at saka masaya kami na may nagsarang pinto, may bubukas ulit na isang pinto,” ani Vice.

Sa isang pahayag naman ng Mediaquest Holdings Inc. at TV5, nirerespeto nila ang desisyon ng Kapamilya network at nagpaabot pa ng mabuting pagbati sa mga susunod nitong magiging proyekto.

Panoorin ang buong "Chika Minute" report sa video na ito.

Mapapanood ang It's Showtime simula July 1, mula Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GTV.

SAMANTALA, KILALANIN ANG ILANG KAPAMILYA STARS NA MULING MAPAPANOOD SA KAPUSO CHANNEL SA GALLERY NA ITO.