TV

'Write About Love' ni Rocco Nacino, mapapanood sa GTV ngayong weekend

By Marah Ruiz

Matamis na naman ang weekend kasama ang mga pelikulang handog ng GTV.

Tunghayan ang romance drama film na Write About Love sa October 24, 12:00 p.m. as Sine Date Weekends.

Tampok dito ang first time na tambalan nina Rocco Nacino at Miles Ocampo. Gaganap sila bilang mga screenwriters na kailangan bumuo ng isang love story.

Bahagi din ng pelikula sina Yeng Constantino at Joem Bascon.

Ang Write About Love ay isang official entry sa 2019 Metro Manila Film Festival. Nakapag-uwi ito ng Best Supporting Actor para kay Joem, Best Supporting Actress para kay Yeng, Best Screenplay at Special Jury Prize para sa direktor at writer nitong si Crisanto Aquino.

Tunghayan din ang fantasy adventure film na The Games Maker sa October 23, 7:55 p.m. sa G! Flicks.

Abangan din ang Scream 2, ang sequel sa hit slasher film na Scream sa The Big Picture, October 24, 9:15 p.m.

Para naman sa action movie fans nariyan ang mga pelikulang tampok sa Afternoon Movie Break tulad ng Bastardo ni Ian Veneracion, October 23, 2:00 p.m.; Boy Golden: Shoot to Kill ni ER Ejercito, October 24, 2:00 p.m.; at Lucio Margallo ni Philip Salvador, October 24, 4:00 p.m.

Patuloy na tumutok sa GTV para sa ibang pang mga dekalidad na pelikula.