TV

EXCLUSIVE: Renz Valerio, inspirasyon ang acting award ni Kristoffer Martin

By MARAH RUIZ

Kasalukuyang napapanood si Kapuso actor Renz Valerio sa GMA Afternoon Prime series na Hahamakin Ang Lahat. 

Gumaganap siya bilang si Puloy, ang bestfriend ni Junjun, na ginaganapan naman ni Kristoffer Martin. 

Kamakailan lang ay nakamit ni Kristoffer ang Best Single Performace by an Actor award para sa kanyang pagganap sa Magpakailanman episode na Mag-ama sa Bilangguan sa PMPC Star Awards for Television.

READ: Kristoffer Martin bags Best Actor award

Kaya naman naging inspirasyon para kay Renz ang makatrabaho si Kristoffer.

"Sa tingin ko kailangan, mag-step up din ako ng acting at ng maturity. Kasi best actor na si kuya Kristoffer so kailangan maka-cope din ako doon sa level of acting niya," paliwanag niya sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com. 

Unang beses ito ni Renz na makatrabaho si Kristoffer sa isang serye. Madalas ay sa mga live shows lang sila nagkakasama noon.

"Mas nakilala ko siya ng very very slight. Siguro isa din 'yun sa nilu-look forward ko with the show. As the show goes on, mas makikilala ko yung pagkatao ni kuya Kristoffer. Mas makikilala ko siya, hindi lang bilang isang kuya, bilang tao talaga," ani Renz. 

Abangan si Renz sa Hahamakin Ang Lahat, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Oh, My Mama! sa GMA Afternoon Prime.

MORE ON 'HAHAMAKIN ANG LAHAT':

Hahamakin Ang Lahat: Kristoffer Martin bilang Luisito Labsat, Jr.

WATCH: Relationship advice mula sa cast ng 'Hahamakin Ang Lahat'