TV

EXCLUSIVE: Snooky Serna, 'flattered' na maka-pareha si Marc Abaya

By MARAH RUIZ

Masaya ang aktres na si Snooky Serna nang mapasama siya sa cast ng GMA Afternoon Prime series na Hahamakin Ang Lahat. Lalo na at medyo katatapos lang niyang lumabas sa seryeng Poor Señorita at bago pa noon ay My Faithful Husband. 

"I would like to say muna, thank you to channel 7 for giving me this opportunity to be part of a wonderful cast, to be part of this new teleserye," pahayag niya sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.

WATCH: The stellar cast OF Hahamakin Ang Lahat

Sa Hahamakin Ang Lahat, gaganap si Snooky bilang si Laura na naninilbihan sa pamilya ni Ivy, na gaganapan ni Eula Valdes.

Kasama rin sa serye si Marc Abaya na gaganap naman bilang mister niya. Ano naman ang naging reaksiyon niya nang malamang ang lead singer ng Kwjan ang ipapareha sa kanya?

"Nakakatuwa kasi I'm so much older than him. I'm proud to say that I'm 50 and I'm thankful that I've turned that age. Thank God! Marc is, I think only in his thirties?" aniya.

"I felt, personally, a little bit amused and flattered. Siyempre nandoon 'yung, 'Ay nako! Lumevel pa ko kay Marc Abaya!' My goodness," dagdag niya. 

WATCH: Isang tongue twister para sa cast ng 'Hahamakin Ang Lahat'

Pero hindi naman daw ito nalalayo sa mga pangyayari sa tunay na buhay.

"It's slowly seeping into me na this happens naman in real life—'yung May-December affair. Love does not have a number naman eh. Nnaging excited ako bigla na kami ni Marc Abaya," kuwento niya. 

Abangan si Snooky at Marc bilang ang mag-asawang Laura at Sito sa Hahamakin Ang Lahat, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Oh, My Mama! sa GMA Afternoon Prime. 

MORE ON 'HAHAMAKIN ANG LAHAT':

READ: Marc Abaya, nagkomento tungkol sa kanyang female co-stars

First appearance nina Kristoffer Martin at Joyce Ching sa 'Hahamakin Ang Lahat,' trending sa Twitter!