TV

Netizens, kinilig sa finale ng 'Hahamakin Ang Lahat'

By MARAH RUIZ

Ngayong araw, February 17 ang finale ng GMA Afternoon Prime series na Hahamakin Ang Lahat.

Bumalik na rin ang dating matatag na pagkakaibigan nina Laura (Snooky Serna) at Ivy (Eula Valdes). 

Samantala, pinagsisisihan na nina Ericson (Chinggoy Alonzo), Cynthia (Marina Benipayo) at Phoebe (Thea Tolentino) ang paghihimasok nila sa buhay ng kanilang mga kadugo.

Sisimulan na rin nina Jun at Rachel ang kanilang bagong buhay sa pamamagitan ng isang engrandeng kasal.

Tulad ng positibong pagtatapos nito, positibo rin ang naging reaction ng mga netizens dito. 

Sa katunayan, maaga pa lang ay nagte-trend na ang official hashtag na #HALAngPagwawakas at umabot ito sa top spot ng Philippine trends sa Twitter.


Nagpasalamat naman ang mga lead stars na sina Kristoffer and Joyce sa mga sumubaybay sa kanilang serye.

Sa Lunes, mapapanood sa timeslot ng Hahamakin Ang Lahat ang panibagong handog ng GMA Afternoon Prime na Legally Blind.

MORE ON TRENDING SHOWS:

Netizens praise new look of Ruru Madrid as Rama Ybrahim

Netizens find Gil Cuerva's bike training for 'My Love From The Star' super adorable