TV

EXCLUSIVE: Snooky Serna, masaya sa improvement ng prosthetics

By MARAH RUIZ

 

Kapansin pansin ang prosthetic makeup na nakakabit sa mukha ng aktres na si Snooky Serna sa GMA Afternoon Prime series na Hahamakin Ang Lahat.

Sa istorya kasi, nasabuyan ng asido ang kanyang karakter na si Laura kaya nasira ang halos kalahati ng kanyang mukha.

Hindi naman baguhan sa larangan ng prosthetics si Snooky.

"It's not always easy to have it on, kahit nung bata pa ko. Kasi ako parang na linya ako sa mga fantasy films—Blusang Itim, Rosa Mistica, Madonna: Ang Babaeng Ahas and the like," kuwento niya sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com. 

"In Blusang Itim, talagang nilagyan ako ng fake na ipin na magmumukang naka-protrude 'yung gums ko. Nilagyan ako ng parang scar sa mukha. Pinakapal 'yung kilay ko. What was used was 'yung spirit gum na tinatawag. Ang sakit!" dagdag pa niya.

Gayunpaman, nakakatulong daw ito sa pagtimpla niya ng karakter na kanyang ginagampanan. 

"It was very uncomfortable para bang ang feeling ko aktres na aktres talaga ko. It excites me. It makes me feel like an artist, really. It makes me get into the role when I have these prosthetics on. It really helps me a lot to get into the groove of things, the groove of the character," paliwanag niya.

Masaya naman daw siya na malaki na ang ipinagbago ng prosthetics ngayon.

"Nakakatuwa, nag-evolve na rin. Nag-level up na siya. Kasi noon 'di ba dusa! No offense naman doon sa mga gumagawa noon. Magagaling sila. Iconic na sila," natatawang pahayag ni Snooky.

"But then that's what we had before. 'Yung mga ingredients, they had to be improved pa. Thankfully, they were able to do that," aniya.

Mas kumportable na raw ngayon ang mga prosthetics kumpara noon. 

"I'll say 50 percent of the pain, the sacrifice has been taken off my shoulders. Hindi na ganun kakati. Hindi na siya mainit sa mukha na parang nasusunog 'yung mukha mo," ayon sa aktres. 

Antabayanan si Snooky sa Hahamakin Ang Lahat, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Oh, My Mama! sa GMA Afternoon Prime!

MORE ON 'HAHAMAKIN ANG LAHAT':

EXCLUSIVE: Snooky Serna, 'flattered' na maka-pareha si Marc Abaya

EXCLUSIVE: Marc Abaya, nagkomento tungkol sa kanyang female co-stars