TV

Faye Lorenzo, nag-online selling ngayong quarantine

By Maine Aquino

Nakipag-bonding ang bagong pantasya ng bayan na si Faye Lorenzo sa kanyang fans sa latest episode ng Hangout.

Sa September 15 episode ng online show ng GMA Artist Center, ikinuwento ni Faye na bukod sa paglalaro ng online games at pagwo-workout, naging abala rin siya bilang online seller ngayong quarantine period.

Saad ni Faye, "Ang mga pinagkakaabalahan ko ngayong quarantine bukod sa pag-o-online game, iniistream ko, then siyempre, workout.

"Nag-try na rin akong mag-online selling mga ganon, mga seafood."

Bukod sa kwentuhan, may game na inihanda ang Hangout para sa fans ni Faye.

Panoorin ang kabuuan ng naging online Hangout ni Faye at ng kanyang fans sa videosa itaas.

Hangout: Online meet and greet with Rita Daniela and Ken Chan (LIVE) | September 1, 2020

Hangout: Kim De Leon at Lexi Gonzales, makikipagkulitan sa kanilang fans! (LIVE) | September 8, 2020