TV

Yasmien Kurdi, ibinahagi ang sikreto sa pagbabalanse ng buhay pamilya at kanyang career

By Maine Aquino

Isa si Yasmien Kurdi sa mga artista na nagpapatunay na posibleng pagsabay sabayin ang pagiging asawa at nanay habang busy sa career sa showbiz.

Sa Hangout, sinagot ni Yasmien ang tanong ng isang fan kung paano niya nagagawang pagsabayin ang buhay artista at buhay may pamilya.

Ayon kay Yasmien, kailangang alam ng isang tao ang mga priorities nila sa buhay at ito ang pagtuunan ng pansin. Dapat rin umanong maging mabusisi sa pagsi-schedule.

Saad ng aktres sa online show ng GMA Artist Center na Hangout, “Time scheduling talaga. It all boils down to prioritization; kung ano ba ang mas ipa-prioritize mo. 'Yung mga least important things in your life kailangan huwag mo na muna siyang i-prioritize.”

Payo pa ni Yasmien, mag-schedule para walang makakaligtaan sa mga dapat gawin sa bawat araw.

“Try to make a schedule everyday kung paano mo magagawa lahat para wala kang ma-miss out. 'Yun ang pinaka-importante."

Photo source: @yasmien_kurdi

Ayon kay Yasmien, nakakatulong ang pagkakaroon ng organizer para nakikita ang mga dapat gawin sa isang araw.

“Actually 'yung organizer, it helps ha. Kunwari meron kang notes. Para alam mo talaga at wala kang makakaligtaan.

“Importante 'yun na magsulat kayo kung ano ang mga dapat gawin para wala kayong makalimutan."

Isa ring napansin online ay ang magandang samahan ng kanilang pamilya. Sa vlogs ni Yasmien makikita na ang anak niyang si Ayesha ay tinuturuan niya na rin sa pagluluto.

Kuwento ni Yasmien mahalaga sa kanya na maturuan habang bata pa ang mga anak ng iba't ibang skills tulad ng pagluluto.

“Oo mas maganda 'yun kasi habang bata, turuan na natin siya kung paano ba magluto para 'pag lumaki siya, alam na alam na niya.”

Hanga rin ang netizens sa suporta ng kanyang asawa na si Rey Soldevilla sa kanyang career pati na rin sa YouTube channel nito.

Si Rey ay nakikitang katulong ni Yasmien sa pag-set up ng camera at iba pang filming equipment para magawa niya ang videos sa kanilang bahay.

Saad ni Yasmien, “Grabe 'yung suporta sa akin ng asawa ko. Like, very supportive 'yung husband ko."

Dugtong pa ng Kapuso actress, masuwerte siya dahil nahanap niya kay Rey ang mga katangian na kanyang hanap sa kanyang asawa.

“I'm very very lucky rin to have a husband na, siyempre lahat naman tayo pinapangarap natin ng mabait, na mabuting asawa, bonus na lang rin na pogi pa 'di ba?

“I'm very very happy talaga na very supportive siya sa akin sa lahat ng ginagawa ko.”

Silipin ang buhay nina Yasmien, Rey, at Ayesha ngayong quarantine sa gallery na ito: