TV

WATCH: Sanya Lopez, inilarawan ang halik ng dalawang leading men ng 'Haplos'

By Marah Ruiz

Dalawa ang magiging leading man ni Kapuso beauty Sanya Lopez sa kanyang upcoming GMA Afternoon Prime show na Haplos. 

Sa mga unang teasers pa lang ng programa ay makikita na ang kissing scenes si Sanya kasama sina Rocco Nacino at Pancho Magno.

Hindi naman naiwasang itanong kay Sanya na ikumpara ang halik ng kanyang leading men. 

"Kay Pancho, mabilis lang. Galit ako sa kanya eh, kasi parang nabastusan ako sa kanya," paglalarawan niya sa kissing scene ng kanyang karakter na si Angela at ng karakter naman ni Pancho na si Benedict. 

"Kay Rocco, may pagmamahal doon [mula] kay Angela," dagdag naman nito tungkol sa mga halik ng kanyang karakter at ni Gerald, na ginagapan ni Rocco. 

Panoorin ang buong ulat ni Cata Tibayan para sa 24 Oras.

Video from GMA News

Huwag palampasin ang pagsisismula ng Haplos, mamaya na pagkatapos ng Impostora sa GMA Afternoon Prime.