TV

Ashley Rivera, may na-discover sa kanyang 'Happy ToGetHer' co-star na si John Lloyd Cruz

By Aedrianne Acar

Hindi maitago ang ngiti ng social media star at comedienne na si Ashley Rivera nang mapag-usapan ang big project niya na Happy ToGetHer, kung saan makakasama niya ang multi-awarded actor na si John Lloyd Cruz.

Sa exclusive interview ni Ashley sa GMANetwork.com via video conference, aminado na kinilig siya na napasama siya sa sitcom ni John Lloyd.

Aniya, “Nakaka-starstruck hindi ko talaga kinaya 'yung photoshoot namin. Actually, na-meet ko na siya before pa na-starstruck na rin ako, pero ito 'yung magkasama kami sa trabaho, 'tapos na-starstruck pa rin ako. Nawawala ako sa sarili ko, oh my gosh! Wait, hindi ko ma-contain talaga 'yung kilig ko [laughs].”

Na-discover din ni Ashley na may sariling style sa comedy ang highly­-respected TV idol.

Paliwanag ng comedienne, “And mabait siya, he' super nice and genuine kung paano siya. Tapos marunong siya maki-sama and my sense of humor din siya. Nakakatawa siya, minsan lang siya humirit, pero pasok 'yung joke niya.”

Source: GMA Network

Wala rin itulak kabigin si Ashley Rivera sa staff ng Happy ToGetHer sa pangunguna ng kanilang director na si Direk Edgar “Bobot” Mortiz na sobra silang inalagaan sa kanilang lock-in taping.

Saad niya na hindi naging mahirap ang kanyang adjustment with her new show.

“Hindi naman siya super big adjustment, but siyempre nandoon pa 'yung kinakabahan pa ako, kasi he is John Lloyd 'di ba alam naman natin lahat kung gaano ka big star siya. So, I have to really do my best para hindi nakakahiya rin.”

Dagdag niya, “But they are very welcoming, they are very warm and na-feel ko talaga na belong ako alam mo 'yun. Hindi ko kailangan makipag-plastikan or whatever like it just felt so natural 'yung on and off screen we're really friends.”

“Alaga kami doon, alaga kami sa set and I like how hands on si Direk Bobot [Mortiz] sa amin kasi every time na lunch and dinner break, magkakasama kami- long table we would hang out, nagbo-bonding kami, usap ganyan,”kuwento niya. Tapos kahit 'pag hindi kami 'yung nakasalang sa eksena nandoon lang kami lahat sa isang dressing room, nagkukulitan. So, it feels like a real family talaga and even if hindi kami nagti-taping,”

Obserba rin ni Ashley sa kanilang mga eksena, “Doon sa mga eksena, natural lang 'yung batuhan ng lines namin, of course it's a sitcom, so it's very light lang, funny lang ganun. Masaya and I'm really happy, no joke! And looking forward nga ako sa mga next cycle namin.”

Buong pagmamalaki rin sinabi ni Ashley Rivera sa one-on-one interview niya sa GMANetwork.com na malaking ang naitulong ng Bubble Gang para maging handa siya sa taping ng Happy ToGetHer.

Paliwanag niya, “Definitely, kasi 'yung set namin itself sa Happy ToGetHer, it's somewhat similar sa Bubble Gang. So sabi ko, 'grabe parang Bubble Gang lang din.' So nandoon ako sa comfort zone ko, so hindi na nga siya ganun ka-like big transition for me. So, of course nakatulong 'yun, 'tapos siyempre nandoon din 'yung comedic timing.”

“Of course, ang laking tulong ng Bubble Gang sa akin, kasi I don't think I would be an effective comedian kung hindi ako nahasa sa Bubble Gang,” sabi pa niya.

Silipin ang ilang mga eksena sa Happy ToGetHer dito:

Stay updated with the latest information about Happy ToGetHer and Ashley's character as Pam by visiting GMANetwork.com or by following all its official social media pages below!

FB: https://www.facebook.com/HappyTogetherGMA

Instagram: https://www.instagram.com/happytogethergma

Twitter: https://twitter.com/HTGHonGMA