TV

Happy ToGetHer: Miles Ocampo, pinangalanan ang direktor na kinatatakutan niya

By Aedrianne Acar

Malaki ang utang na loob ng former child actress na si Miles Ocampo sa direktor at kanyang tatay-tatayan sa showbiz na si Edgar “Bobot” Mortiz.

Reunited ang dalawa sa upcoming sitcom ni John Lloyd Cruz na Happy ToGetHer, na ipalalabas na bukas ng gabi, December 26, bago ang Kapuso Mo Jessica Soho.

Dating nagkatrabaho sina Miles at Direk Bobot sa kiddie gag show na Goin Bulilit.

Sa Kapuso Web Exclusive video ni Miles na Kapuso Confessions, umamin ang dalaga na ayaw niya madissapoint si Direk Bobot.

Paliwanag niya, “Pinaka na-challenge ako [kay] Direk Bobot because sa kanya ako lumaki. So, kahit hanggang ngayon... Kahit sa kanya ako nag-start nung bata ako, hanggang ngayon natatakot pa rin ako sa kanya.”

Pagpapatuloy niya, “Kumbaga, sa lahat ng direktor ko, si Direk Bobot ang ayaw ko pinaka nadi-disappoint kasi feeling ko pinalaki niya ako, baka isipin niya hindi niya ako napalaking tama."

Diin pa niya, “Gusto ko lagi na proud siya sa akin.”

Source: GMA Network

Sa parehong video, nabanggit din ni Miles na sa kabila ng mga nangyari sa taong 2021, umaasa naman siya na, “There's hope,” sa paparating na 2022.

Aniya, “Tuwing Bagong taon may excitement akong nararamdaman na parang- kung feeling mo marami ka hindi nagawa last year, eto na 'yung time para makabawi.

Higit na kilalanin si Liz (Miles Ocampo) na second child ng loving nanay na si Nanay Pining (Carmi Martin) sa world premiere ng Happy ToGetHer sa Sunday Grande sa Gabi!