TV

Happy ToGetHer: Makapagbakasyon kaya ang puso ni Julian sa Boracay?

By Aedrianne Acar

Extra special ang Sunday episode ng high-rating Kapuso sitcom na Happy ToGetHer, dahil dadalhin nila tayo lahat sa Boracay!

Dapat abangan ang pagbabalik ng aktres na si Anna (Julie Anne San Jose) sa buhay ni Julian (John Lloyd Cruz).

Ma-rekindle kaya ang spark sa dalawa, habang ine-enjoy nila ang white-sand beach sa Boracay?

O dapat mag-move on na ang daddy heartthrob sa makilala niyang sexy babae na si Summer (Max Collins)?

Kahit ba opposite ang zodiac signs nila ay meant for each other sila ni Julian?

Engrande ang summer special ng Happy ToGetHer featuring Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose and Kapuso drama actress Max Collins.

Maghahatid din ng saya ang Sparkle talent na si Coleen Paz!

Heto ang mga aabangan eksena sa Boracay special ng hit Kapuso sitcom sa Sunday Grande sa gabi, before Kapuso Mo, Jessica Soho.

Silipin ang ilan sa behind-the-scene moments ng cast ng Happy ToGetHer for their summer episode sa gallery na ito: