TV

AlDub, mapapanood din sa 'Hay, Bahay!?'

By AEDRIANNE ACAR

Kinumpirma ni Bossing Vic Sotto sa panayam nito kay Lhar Santiago sa Chika Minute ng 24 Oras na plano niyang i-guest sina Maine Mendoza at Alden Richards sa bago niyang sitcom sa Kapuso network, ang Hay, Bahay!.

Pero mangyayari raw ito kapag natapos na ang first year showbiz anniversary ng dalawa at kapag naipalabas na ang pelikulang "Imagine You and Me" sa July.

Excited na rin si Vic na mapakinggan ng mga dabarkads ang kantang isinulat ni Maine para sa solo movie nila ni Alden. Si Bossing ang nagbigay ng melody sa lyrics nito.

Ngayong araw, nagpatikim na ang popular split-screen couple sa Eat Bulaga nang kantahin nila ang naturang theme song.

Ayon kay Vic, “Sana mabigyan ko ng justice ‘yung ganda ng lyrics ng isang melodiya.”

“Alam mo galing sa puso niya, hindi lang basta ginawa lang kasi may pelikula. May pinanggagalingan, alam mo galing sa loob niya, galing sa puso.”

Naikuwento rin ni Vic ang plans ng kanyang pamilya sa darating na Father’s Day sa Linggo, June 19. Tiyak daw na kasama ng Eat Bulaga host ang lahat ng malalapit sa kaniyang puso.

“Kasama ‘yung mga anak, mga apo. Most probably kumpleto baka si Marc (Pingris) lang ang absent dahil busy sa Gilas.”

Sabi naman ni Oyo na sabay na raw silang magce-celebrate ng kaniyang ama.  

“Pagka sila Daddy nag-ayos ng dinner siguro ‘yun na ‘yun. Isang celebration na lang kami ni daddy. Si Marc kasi wala eh nasa Greece para sa Gilas,” ani Oyo.

Video courtesy of GMA News

MORE ON 'HAY, BAHAY!':

Oyo Sotto on being compared to dad Vic Sotto: "Dapat nga hindi na nila iniisip 'yun kung kaya kong tapatan 'yung tatay ko"

IN PHOTOS: Meet the star-studded cast of Hay, Bahay! 

EXCLUSIVE: Behind-the-scenes in Hay, Bahay!'s pictorial & plug shoot