TV

Ben X Jim: Jim returns

By Bianca Geli

Sa nakaraang episode ng Ben X Jim, umpisa ng COVID-19 pandemic, magiging abala sa online live selling si Benjamin/Ben (Teejay Marquez) para kumita.

Masisira ang diskarte ni Ben nang mapansin ni Ben na nanonood ang kanyang ex-boyfriend na si Leo (Johannes Rissler).

Nabuhayan ng loob si Ben ng sabihin sa kaniya ng kanilang kapitbahay na uuwi na sa kanilang lugar ang kababata niyang si Jimson/Jim (Jerome Ponce).

Panoorin sina Teejay Marquez at Jerome Ponce sa Ben X Jim, tuwing Linggo, 11:00 ng gabi, sa Heart of Asia Channel.