TV

'Rainbow Prince' actor Adrian Dionisio stars in newest campaign of famous fast food chain

By Aimee Anoc

Marami ang kinikilig sa pinakabagong commercial ngayon ng isang kilalang fast food chain kung saan bida si Adrian Dionisio, ang isa sa lead star ng BL musical series na Rainbow Prince.

Tampok sa nasabing fast food commercial ang isang boys' love na pakilig. Naka-partner dito ni Adrian si Elvin De Chavez, na bumida naman sa BL film na Tie The Not.

Ilan sa mga komentong natanggap nina Adrian at Elvin De Chavez mula sa netizens ay "It's so cute," "kilig much," at "ship ko na tuloy sila."

Samantala, abangan ang kilig ending ng Rainbow Prince ngayong Linggo, February 5, 11:00 p.m. sa Heart of Asia Channel.

Magkakaroon kaya ng "happily ever after" sina Prince Zeyn (Adrian) at Mikey (Eurwin Canzana)?

KILALANIN ANG IBA PANG BL ACTORS SA GALLERY NA ITO: