TV

Ashley Ortega at Skye Chua, pinahanga ang mga Lagunense sa kanilang ice performances

By Aimee Anoc

Mainit na sinalubong ng mga Lagunense ang Hearts On Ice stars na sina Ashley Ortega, Roxie Smith, Skye Chua, Dani Ozaraga, at Lei Angela sa kanilang mall tour sa SM City Santa Rosa, Laguna noong Linggo (May 28).

Ramdam na ramdam ang excitement ng fans na masaksihan nang live ang nakamamanghang ice performances nina Ashley at Skye, na kapwa mahuhusay na figure skaters sa serye at sa tunay na buhay.

Unang nag-perform sa ice rink ang figure skating champion na si Skye, na sumayaw sa kantang "Mambo Italiano" ni Bette Midler.

Bago sumayaw sa kantang "A Thousand Years," kinamayan ni Ashley ang mga tagahanga, na maririnig na tinatawag siyang Ponggay.

Bukod sa ice performances, pinahanga rin ni Dani ang lahat nang kantahin ang "Let It Go" ni Idina Menzel.

Patuloy na subaybayan ang Hearts On Ice, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Mapapanood din ang Hearts On Ice sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (11:30 p.m.), at naka-livestream din ito sa GMANetwork.com.

TINGNAN ANG LAST TAPING DAY NG HEARTS ON ICE SA GALLERY NA ITO: