advertisement
TV

'Hearts On Ice' actors, dinagsa ng fans ang mall tour sa Santa Rosa, Laguna

1 of 12

Hearts On Ice

Bumisita ang cast ng 'Hearts On Ice' sa SM City Santa Rosa, Laguna, noong Linggo, May 28, para magbigay kasiyahan sa kanilang mga tagahanga.

2 of 12

Cast

Kasama ni Ashley Ortega na nagbigay kasiyahan sa mga Lagunense ang co-stars niyang sina Roxie Smith, Skye Chua, Dani Ozaraga, at Lei Angela.

3 of 12

Lagunense

Hindi pinalagpas ng mga Lagunense ang pagkakataon na makita ang kanilang mga idolo sa figure skating series na 'Hearts On Ice.'

advertisement
4 of 12

Sonja, Ponggay, and Monique

Naka-bonding ng fans ang tatlong mahuhusay na figure skaters ng 'Hearts On Ice' na sina Sonja (Skye Chua), Ponggay (Ashley Ortega), at Monique (Roxie Smith).

5 of 12

Jessa and Sunshine

Kasama rin ni Ashley Ortega sa mall tour ang close friends sa serye na sina Dani Ozaraga (Jessa) at Lei Angela (Sunshine).

6 of 12

Dani Ozaraga

Ipinamalas ng XOXO member na si Dani Ozaraga ang pagiging biritera nang kantahin ang "Let It Go" ni Idina Menzel.

advertisement
7 of 12

Ashley Ortega

Excited na humarap si Ashley Ortega sa kanyang mga tagahanga. Masaya at nagpapasalamat ang aktres sa naging mainit na pagtanggap sa kanila ng mga Lagunense.

8 of 12

Ponggay

Pagpasok pa lamang ni Ashley Ortega sa ice rink ay maririnig na ang hiyawan ng fans, na tinatawag siyang Ponggay.

9 of 12

Figure skating

Nagbigay ng isang ice performance si Ashley Ortega para sa kanyang mga tagahanga, kung saan sumayaw siya sa kantang "A Thousand Years."

advertisement
10 of 12

Skye Chua

Nag-perform din sa ice rink ang figure skating champion na si Skye Chua, na sumayaw naman sa kantang "Mambo Italiano" ni Bette Midler.

11 of 12

Sonja

Napapanood si Skye Chua bilang Sonja sa 'Hearts On Ice,' isang figure skater at mahigpit na kalaban ni Ponggay.

12 of 12

Primetime

Patuloy na subaybayan ang huling tatlong linggo ng 'Hearts On Ice,' Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

advertisement