TV

'Hearts On Ice,' patuloy ang paghataw sa ratings at manonood online

By Aimee Anoc

Patuloy na humahataw sa ratings ang kauna-unahang figure skating series ng bansa, ang Hearts On Ice.

Noong Huwebes, March 23, pumalo sa 9.6 percent ang rating ng ikasiyam na episode nito base sa data ng Nationwide Urban TV Audience Measurement (NUTAM) People Ratings ng pinagkakatiwalaang market research firm na Nielsen Philippines.

Nag-trending din sa Twitter Philippines ang hashtag na "HOIEmotionalBaggage" para sa ikasiyam na episode nito.

Bukod sa mataas na ratings, patok na patok din online ang inspiring na kuwento ng Hearts On Ice, patunay ang 57.6 million views na natanggap nito sa TikTok, sa unang linggo ng pag-ere nito.

Pinagbibidahan ang Hearts On Ice ng dalawa sa mahuhusay na aktor ngayon ng Kapuso Network na sina Ashley Ortega at Xian Lim. Kasama ang batikan at kilalang mga aktor na sina Amy Austria, Tonton Gutierrez, Rita Avila, Lito Pimentel, Ina Feleo, at Cheska Iñigo. Ipinakikilala rin sina Roxie Smith kasama sina Kim Perez at Skye Chua.

Patuloy na subaybayan ang Hearts On Ice, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m pagkatapos ng Mga Lihim Ni Urduja.

Mapapanood din ang Hearts On Ice sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (11:30 p.m.), at naka-livestream din ito sa GMANetwork.com.

KILALANIN ANG CAST NG HEARTS ON ICE SA GALLERY NA ITO: