TV

LOOK: Ina Feleo shares a sneak peek of a scene in 'Hindi Ko Kayang Iwan Ka'

By Michelle Caligan

Isa sa mga inaabangang Kapuso teleserye ngayong 2018 ay ang Afternoon Prime series na Hindi Ko Kayang Iwan Ka. Pagbibidahan ito nina Yasmien Kurdi at Mike Tan at tatalakay sa issue ng HIV.

WATCH: Yasmien Kurdi, may pasilip sa bago niyang soap na 'Hindi Ko Kayang Iwan Ka'

Sa kanyang Instagram account, nag-post ang kanilang co-star na si Ina Feleo ng photo ng isang intense na eksena na kanilang kinunan.


"Took a sneaky photo of my favorite part of “shooting” for film or TV—the actor’s prep. So much passion from these three! Excited for you to see our new show #hindikokayangiwanka," saad niya sa caption.

Abangan ang Hindi Ko Kayang Iwan Ka, malapit na sa GMA Afternoon Prime.