
Performer actor naman na may negosyo ang naging topic sa latest chika ng Salon De Chika sa TiktoClock.
Ayon sa kuwento sa Salon De Chika, "Isang performer actor, ang chika, hindi raw ito marunong mag-handle ng client feedback."
Base raw sa source ng chika, bukod sa pagiging performer actor ay may mga ibinibenta rin siya. Ang products ni performer actor ay branded items.
Saad pa sa Salon De Chika, minsan nitong binentahan ang isang co-star ngunit hindi raw ito bumili kay performer actor. Laking gulat ni co-star nang bigla na lang niyang nalaman na in-unfollow na siya ni performer actor.
Para sa clue, sa pangalan daw ni performer actor ay may letter M.
Hulaan kung sino ito sa Salon De Chika ng TiktoClock:
Abangan ang iba pang mga chika sa Salon De Chika sa TiktoClock. Patuloy rin na subaybayan ang happy time at bigayan ng blessings sa TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes, 11:00 a.m. sa GMA Network.